Delivery rider, kulong sa pekeng pirma sa P3.9M tseke

ni Gina Plenago @News | October 8, 2026

Photo: File
Kulungan ang bagsak ng isang delivery rider matapos umanong gumamit ng pekeng lagda sa pagtatangkang makakuha ng ₱3.9 milyong manager’s check sa isang bangko sa Makati City.
Nahaharap ang 39-anyos na suspek sa reklamong falsification of commercial document sa ilalim ng Article 172 ng Revised Penal Code.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Brig. Gen. Christopher Abrahano, nagpakilala umano ang suspek bilang kinatawan ng isang realty corporation at nagsumite ng application form na may pekeng pirma at walang awtorisasyon mula sa kumpanya.
Alas-4:30 ng hapon noong Oktubre 5, rumesponde ang mga tauhan ng Makati Police Sub-Station 5 sa isang bangko sa lower ground floor ng isang mall matapos matukoy ang umano’y pekeng pirma at kuwestiyonableng aplikasyon.





Comments