top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

Delikado, perhuwisyo... Container yard, iba-ban sa Valenzuela

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | October 12, 2026



Container yard sa Valenzuela - Mayor Wes Gatchalian

Photo: Container yard sa Valenzuela - Mayor Wes Gatchalian



Posibleng ipagbawal ang operasyon ng mga container yard sa Valenzuela City bago matapos ang taon dahil sa panganib na dulot ng mga ito sa mga residente.


Sa pakikipagpulong ni Mayor Wes Gatchalian sa mga residente at operator ng container yard sa Brgy. Paso de Blas, inireklamo ang mga container na umaabot sa walong patong, matinding ingay, at pagsisikip ng trapiko.


Iniutos ng alkalde na ilayo ang mga container sa kabahayan, limitahan sa limang patong ang pagkakasalansan, at ilagay ang mga ito sa gitna ng compound.


Kaugnay nito, nagsasagawa na ng pampublikong pagdinig ang Sangguniang Panlungsod para sa ordinansang tuluyang magbabawal sa mga container yard sa lungsod, na inaasahang maipapasa sa Disyembre.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page