ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 14, 2023
Tiniyak sa publiko ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ngayong Martes, na aktibo nilang inaaksyunan ang pagkakaantala ng pagbibigay ng One-Time Passwords (OTPs) para sa GovPH application.
Nag-abiso ang DICT na “connectivity issues" ang dahilan sa pagkakaantala na naranasan ng kanilang telecommunication partners na umaasikaso sa paghahatid ng mga One-Time Passwords (OTPs).
Sa gitna nito, sinigurado ng kagawaran na pansamantala lang ang isyu at sila'y gumagawa ng paraan para lutasin ito sa lalong madaling panahon.
Para sa karagdagang tulong, maaaring makipag-ugnayan ang eGovPH users sa eGovPH Support Team, bisitahin ang https://e.gov.ph/ o mag-email sa support@e.gov.ph.
Comments