top of page

Dela Rosa, bumida sa Ateneo, UP, dapa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 17, 2022
  • 1 min read

ni VA - @Sports | October 17, 2022



ree

Nanguna si rookie center Kacey Dela Rosa para sa Ateneo nang padapain nito ang University of the Philippines, 67-61, upang makabalik sa win column ng UAAP Season 85 women's basketball tournament sa MOA Arena kahapon.


Produkto ng Chiang Kai Shek, nagtala si De la Rosa ng 30 puntos, 20 rebounds, at 7 blocks upang pamunuan ang Blue Eagles sa pag-ahon sa kinasadlakang 3-game losing streak at umangat sa rekord na 2-3 sa team standings.


Nagposte naman ng triple double 11 puntos, 11 rebounds at 10 assists bukod pa sa 3 steals bilang katuwang ni De La Rosa sa pamumuno ng beteranang si Jhazmin Joson sa superb triple-double 11 points at 11 rebounds.


Nanguna naman sa natalong UP si Kaye Pesquera na may 16 puntos. Ang triple-double ni Joson ang una sa UAAP women's basketball mula noong 2017 nang magposte si Ria Nabalan ng National University ng 12 puntos, 10 rebounds at 10 assists sa kanilang 76-56 na panalo kontra Far Eastern University.


Nauna rito, tumabla ang University of Santo Tomas sa ikalawang puwesto matapos durugin ang University of the East, 107-44.

Nagsimulang kumalas ang Tigresses sa second quarter matapos magsalansan ng 34 puntos at limitahan ang Lady Warriors sa 7 puntos.


Dahil sa panalo, umangat sila sa markang 4-1, panalo-talo katabla ng De La Salle University sa ikalawang puwesto. "I just told the girls na medyo tight sila noong first quarter," ani UST coach Haydee Ong. "We let UE score 15 points and we only scored 18 points. Our defense started noong second quarter, and medyo nahirapan ang UE."


Nanatiling walang analog ang UE matapos ang 5 laro.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page