top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Deklarasyon sa pagkandidato bilang pangulo nina Mayor Isko at Sen. Manny Pacquiao, inaabangan na!

  • BULGAR
  • Aug 31, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 31, 2021



Marami na ang naghihintay ng deklarasyon sa pagkandidato bilang pangulo nina Mayor Isko at Sen. Manny Pacquiao.


Pero, hindi nila hinihintay ang deklarasyon ni Mayor Sara dahil ang alam nila ay tiyak na kakandidato na!


◘◘◘


INAASAHANG nasa likod ni Mayor Inday ang suporta ng mga LGUs executives.


Ito ay dahil siya ang inaasahang pambato ng makinarya ng gobyerno!


◘◘◘


HINDI naman puwedeng sandalan ang makinarya ng gobyerno na kinokontrol ng mga LGUs na makapagde-deliver ng malaking boto.


Kung totoo ‘yan, dapat nagwagi si Gibo Teodoro noong 2010, at si Mar Roxas ay dapat ding nanalo noong 2016.


Parehong manok ng incumbent president sina Teodoro at Roxas — pero hindi nagawang maipanalo ng mga LGUs executives!


◘◘◘


BAGO magkaroon ng pandemic, palaging “basa” ang papel ng mga incumbent — sapagkat mulat at alam ng mga botante na korup ang kanilang mga kongresista, gobernador, mayor at barangay chairman.


Si Cong. kasi ay hindi tinapos ang kalye na agad nagkakabitak-bitak; si Gov. ay display-display lang samantalang si mayor ay walang kontrata na hindi nagkamal ng malaki.


Si Kapitan ay bistado sa barangay at hindi dapat pang i-expose kasi expose na expose ang kanyang kalokohan!


◘◘◘


SA huling dalawang taon at panahon ng COVID-19, ramdam na ramdam ng mga botante kung gaano kainutil ang kanilang kongresista, gobernadora, mayor at kapitan—dahil sa kapalpakan sa pagre-release ng ayuda na mas marami ang hindi nakatanggap nang maayos, kaysa sa nakinabang.


Parurusahan ng mga botante ang mga palpak na LGUs executives at hindi sinasadya, madadamay dito ang manok ng administrasyon!


◘◘◘


SA kabilang panig, ang mga tao ay hindi bumuboto batay sa kuwalipikasyon, bagkus ay ang ginagamit ay ang emosyon.


Kung kuwalipikasyon ang batayan, dapat naging pangulo sina Sen. Claro M. Recto, Sen. Jovito Salonga, Sen. Arturo Tolentino, Sen. Raul Roco, Sen. Miriam Santiago at ex-Sec. Gibo Teodoro.


◘◘◘


HINDI puwedeng maliitin si Sen. Pacquiao o kahit pa ang batang iskuwater na si Mayor Isko dahil aktuwal na may malaking simpatiya silang nakukuha sa mga ordinaryong tao.


Samantala, may solidong boto naman at simpatiya sa ordinaryong tao si ex-Sen. Bongbong Marcos.


Halos araw-araw sa loob ng apat na dekada, biktima ng black propaganda ang Pamilya Marcos—pero matatag na nakakapasok sa Senado ang dalawang Marcos.


◘◘◘


KATAKUT-TAKOT na akusasyon ng krimen kabilang na ang genocide, plunder at iba pa—pero hindi nakalaboso ang sinuman sa mga Marcos kahit nakontrol ang Malacañang ng matitindi nilang kalaban sa pulitika.


Taliwas sa Pamilya Marcos, nakakaloboso si Erap, ex-P-GMA, Enrile, Jinggoy at Revilla—sa kaso ring isinampa ng kanilang mga kalaban sa pulitika.


◘◘◘


MAY epekto ang social media pero ang fake news na nakababad dito ay wala nang talab.

May oportunidad na ring rumesbak, sumagot sa black propaganda ang sinumang binibiktima.


Kumbaga, patas-patas lang ang buhay.


Matira ang matibay!


◘◘◘


ANG sako-sakong kuwartang ibibigay sa mga LGU executives sa panahon ng kampanya ay magba-backfire lang sa pinagmulan nito.


Likas na korup ang mga LGUs, kaya’t tulad sa 2010 at 2016, ibubulsa lang muli ito ng mga kolokoy.


Ho-ho-ho!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page