Dedma sa mga bashers… KIM, MAY P1 M ALLOWANCE NA, MAY LUXURY CAR PA RAW KAY GOV. DANIEL
- BULGAR
- May 28
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 28, 2025
Photo: Kim Rodriguez - IG
May reply si Kim Rodriguez hinggil sa mga komento ng netizens sa pagkaka-link niya kay Bulacan Gov. Daniel Fernando.
Bumaha ng komento ang pakikipag-date umano ng aktres sa gobernador.
Last April, 2025 ay kumalat ang larawan ng dalawang personalidad sa social media at ang espekulasyon ng mga netizens ay nagde-date ang mga ito.
Isa sa recent videos ay nagli-lipsync ang aktres ng kanta ni Leona Lewis na Bleeding Love (BL) na may lyrics na: ‘I don’t care what they say, I’m in love with you; they try to pull me away, but they don’t know the truth.”
Komento ng netizen, “Dedma sa basher basta may Daniel Fernando.”
Sagot ni Kim, “Pikit,” with laughing emoji.
Sa isa namang content ay may ni-lipsync din ang aktres na linyang, “Nakatapos ako ng pag-aaral, pero dahil sa pagmamahal ko sa ‘yo, naging tanga ako sa lahat, kahit Tagalog ng ‘I don’t know,’ hindi ko alam.”
Sey ng commenter, “Fresh naman. Iba talaga alagang Gov. Daniel.”
Sagot ni Kim, “Taray ng username mo @alwaysbekindtoothers.”
Muling napag-usapan ang dalawa dahil sa viral photo nila ngayon sa socmed.
Makikita kasi sa larawan na naka-pose ang aktres at ang gobernador sa harap ng isang luxury car kung saan may hawak ang una na bouquet of flowers.
Dahil dito ay pinutakti na naman ng komento ang aktres tulad ng “You’re still going to get criticized, so you might as well do whatever you want.”
Sey naman ng isa, “Girl, true ba ‘yung kumakalat na tsismis na P1 million daw allowance mo plus luxury car gift sa ‘yo ni Gov. Daniel Fernando? Can you confirm this?”
Dedma ang aktres sa tanong ng commenter.
Kumanta ng Anak…
KA FREDDIE, 72, PUMANAW NA
PUMANAW na ang OPM icon na si Freddie Aguilar a.k.a. Ka Freddie sa edad na 72.
Sa Philippine Heart Center binawian ng buhay ang legendary singer.
Kinumpirma ng abogadong si George Briones, ang general counsel ng Partido Federal ng Pilipinas, ang pagpanaw ni Ka Freddie na dating national executive vice-president ng PFP.
Nag-post din ang kaibigan nitong veteran actress na si Vivian Velez sa Facebook (FB) tungkol sa pagpanaw ng singer.
Aniya, “OPM icon Freddie Aguilar has passed away today (May 27) at the PH Heart Center Hospital.
“He was 72 years old. Our heartfelt condolences to his family and loved ones. His music will forever live on in our hearts. #FreddieAguilar.”
Si Freddie ay isang singer-songwriter na itinuturing na isa ring haligi ng Philippine music industry at nakapagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga parangal at pagkilala sa iba’t ibang panig ng mundo.
Siya ang original singer ng Anak kung saan halos lahat ng lengguwahe ang kanyang ginawan ng kanta with the same title.
Comments