Dedma sa COVID surge.. P-BBM, tuloy sa China — DFA
- BULGAR
- Dec 30, 2022
- 1 min read
ni Mylene Alfonso | December 30, 2022

Bagama't may COVID-19 surge, tuloy pa rin sa kanyang state visit si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Beijing sa susunod na linggo.
Ito ang kinumpirma ni DFA Assistant Secretary Nathaniel Imperial kung saan naka-schedule sa Enero 3 hanggang 5 ang kanyang state visit matapos ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping.
“Ang ating ugnayang panlabas sa China ay napakaimportante and we have received assurances from our Chinese host that all arrangements are being made to ensure the safety of the President and the delegation during the visit,” ani Imperial.
“A bubble arrangement has been agreed for the Philippine delegation to minimize the risk of exposure to the virus. May mga pagbisita talaga na hindi natin puwedeng i-postpone,” hirit pa ni Imperial.
Titiyakin na isasagawa ang pag-iingat sa delegado ng Pilipinas upang hindi mahawaan ng virus pagbalik sa bansa.
Ipinaliwanag ng opisyal na sakaling may miyembro ng delegasyon ng Pilipinas ang nagpositibo sa COVID-19 ay dapat sundin ang protocol na ipinatutupad sa China kung saan ang pasyente ay dapat isailalim sa quarantine.
Matatandaang bago maupo bilang Presidente, inihayag ni Pangulong Marcos na ang China ay isang malakas na partner ng Pilipinas.





Comments