top of page

Dedma sa bashers… MIKEE, PROUD NA GRADUATE NA SA COLLEGE AFTER 10 YRS.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 25
  • 4 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 25, 2025



Photo: Mikee Quintos - IG


“It’s official !! I’m finally graduating,” ang masayang post ni Mikee Quintos na sinundan ng text na, “POV: your thesis jury just gave you your final grade and you’re finally graduating after 10 years in college.”


Yes! Ten years ang inabot bago naka-graduate si Mikee dahil hindi naman tuluy-tuloy ang kanyang pag-e-enroll dahil sa kanyang showbiz career. Ang importante, ga-graduate na siya at nag-share ang SLAY star ng clips at photos sa kanyang thesis defense.


Nag-post si Mikee ng photo na inihahanda nito ang kanyang presentation, photo na ipine-present niya ang kanyang thesis at photo na nasa labas siya ng room habang hinihintay ang result at grade niya, hanggang pabalikin siya sa loob ng room. 


May photo rin na nasa harap siya ng panelist, binabasa ang result ng kanyang thesis defense na napahawak sa kanyang noo at halos maiyak sa tuwa.


Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya ang thesis ni Mikee nang may taga-UST (University of Santo Tomas) na nag-blind item na may classmate siyang celebrity na walang ambag sa thesis. Si Mikee agad ang naisip ng mga netizens, dahilan para siya ay ma-bash. Kahit nilinaw na nito na hindi group at solo ang thesis niya sa course niyang Architecture, ayaw pa rin siyang paniwalaan ng mga bashers.


Anyway, napatunayang nagsabi ng totoo si Mikee dahil solo siyang humarap sa panelist to defend her thesis. Saka, dedma na ang Kapuso actress sa mga bashers, malapit na siyang maging full-fledged architect kapag nakapasa sa Architectural Licensure Examination (ALE).


Pero, kahit hindi pa nagbo-board exam, “Arki” na ang tawag kay Mikee ng kanyang mga kaibigan at supporters. Ang daming nag-congratulate sa kanya, kabilang ang good friend niyang si Ruru Madrid na ang sabi, “Congrats, Bee! Labyuu (love you)!”


Barbie, gustung-gusto…

ISIGAW NG MADIR NI DAVID: I LOVE BARDA


Hindi pa rin nagkita si Barbie Forteza at ang mom ni David Licauco na si Eden Licauco dahil hindi inimbita ang aktres sa pa-block screening ng BarDa (Barbie at David) fans sa movie ni David na Samahan ng mga Makasalanan (SNMM). Ang mom lang ni David ang inimbita ng mga fans at dumating ito.


Game pa nga si Mommy Eden sa picture taking with the BarDa fans, ini-repost nito sa kanyang Instagram ang photo at may caption na: “I love BarDa. Thank you, guys!”


Aminadong BarDa fan ang mom ni David at sa isang guesting, nabanggit na gusto niyang ma-meet si Barbie. Inulit niya ito sa convo niya with a BarDa fan na looking forward na magkita na sila ni Barbie. 


Sagot ni Mommy Eden, “It would be nice to meet you and I’m looking forward to meeting Barbie soon.”


Ikinatuwa ng BarDa fans ang sinabing ito ng mom ni David, na sana magkita na sila ni Barbie. Chance na sanang magkita sila, pero wala ang mom ni David sa premiere night ng nasabing pelikula at siblings lang ng aktor ang dumating.


Speaking of Barbie, mukhang hindi si David ang makakasama niya sa Beauty Empire (BE) na ikinalungkot ng kanilang mga fans. Unless, pumasok si David sa series kahit nagsimula na silang mag-taping at malapit na ang airing nito. 


Hindi na nababanggit kung si Sam Concepcion ang magiging love interest ni Barbie o wala siyang kapareha.


Gagampanan ni Barbie sa BE ang role ni Noreen Alfonso at makakalaban niya si Kyline Alcantara na gaganap sa role ni Shari de Jesus. First time magsasama ang dalawa at pareho nang excited sa mga confrontation scenes nila. 


Maganda nga kung totoo na kontrabida ang role ni Barbie sa series, para maipakita niyang hindi lang siya magaling na bida, kundi mahusay ding kontrabida.


Kyline, 1 linggo lang break, pinalitan agad…

20-ANYOS NA BISAYANG TIKTOKER, KA-HOLDING HANDS NI KOBE SA BALI


INFLUENCER at Tiktoker daw ang ka-holding hands ni Kobe Paras sa Bali, Indonesia. Ibig sabihin, may mga nakakakilala na kay ate gurl (read: girl). 

Bata pa, 20 years old lang daw ito at taga-Visayas. 


Dahil nakatalikod at likod lang ang nakita, hindi makukumpirma kung sino ba talaga ang girl na mabilis na ipinalit ni Kobe kay Kyline Alcantara.


Ang dami agad alam ng mga fans sa girl na ka-holding hands ni Kobe na malamang, siya rin ‘yung girl na katabi ni Kobe sa isang bar sa Bali at nakahawak pa siya sa waist nito. Ilang araw pa, malalaman na ang pangalan ng girl, abang lang tayo!


Dahil sa nag-viral na post ni Kobe with a new girl, tila nagbago ang tingin ng mga netizens kina Kobe at Kyline. Ang dating like si Kobe, nag-iba na ang mga comments. At ang dating hate si Kyline, mukhang bumait at ipinagtatanggol na siya.


Chickboy daw pala si Kobe, mabilis magpalit ng jowa at kabe-break lang, may iba nang girl. Hindi raw uso sa kanya ang three-month rule at sa halip, 1 week rule ang pinairal nito. 


Madali raw pala itong magsawa sa relasyon at may nakaabang agad na ipapalit na sabi ng mga netizens, sa Bali, Indonesia lang nito nakilala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page