Dedma sa 24-oras na ultimatum.. Cong. Teves, no show sa Kamara
- BULGAR

- Mar 22, 2023
- 1 min read
ni Mylene Alfonso | March 22, 2023

Bigo si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves, Jr. na personal na dumalo sa pagdinig ng House Committee on Ethics and Privileges matapos bigyan ulit ng 24-oras na ultimatum para lumutang ang kongresista sa House of Representatives.
Muling iginiit ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio ang banta sa buhay ng mambabatas na dahilan kung bakit hindi pa rin siya sumipot sa pagdinig kahapon.
Umapela rin si Topacio sa panel na bigyan ng pagkakataon si Teves na ipaliwanag ang kanyang panig kasabay ng pagbatikos sa pagtangging payagang dumalo sa pagdinig ang kanyang kliyente sa pamamagitan ng video conferencing.
Ipinauubaya na ni Topacio sa Kamara de Representantes ang pagpapasya kung ano mang parusa ang kakaharapin ng kanyang kliyente.





Comments