Debris ng Titan submersible natagpuan na, 5 sakay patay

ni Mabel Vieron | June 24, 2023

Kinumpirma ng U.S. Coast Guard na patay na ang limang sakay ng nawawalang submersible malapit sa Titanic wreck.
Ito ay dahil sa pinaniniwalaang naubos na ang suplay ng oxygen.
Nagpaabot naman ng pakikiramay at pakikidalamhati ang OceanGate sa mga naulilang kaanak ng mga nasawi.
Kinabibilangan ito nina British explorer Hamish Harding, French submarine expert Paul-Henri Nargeolet, Pakistani-British tycoon Shahzada Dawood at anak nitong si Suleman, at ang mismong CEO ng OceanGate Expeditions na si Stockton Rush.
Ayon sa U.S Coast Guard na si Rear Adm John Mauger, ang natagpuan umanong debris ay maaaring mula sa nawawalang Titan submersible, na may posibilidad na nakaranas
ng ‘catastrophic implosion’.





Comments