top of page
Search
  • BULGAR

De Lima, nakikisawsaw sa isyu, pinepersonal lang si VP Sara

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 7, 2023



KUNG MAGPABIDA ANG MGA ALAGAD NI P-BBM SA PSA, AKALA MO LAHAT NG BILIHIN BUMABA NA ANG PRESYO, IYON PALA GULAY LANG ANG BUMABA ANG PRESYO -- Ibinida ng mga alagad ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa Philippine Statistics Authority (PSA) na 41% daw ang ibinaba ng presyo ng mga bilihin ngayong buwan ng Disyembre 2023 dahil sa pagbagal ng inflation rate last month.


Ito na siste, nang magtungo ang mga reporter ng mga TV network sa palengke, tanging mga gulay lang pala ang bumaba ang presyo ng bilihin, pero ang bigas, karne, isda, maging ang itlog, ang mamamahal pa rin ng presyo, boom!


◘◘◘


SANA, HINDI NA NAKISAWSAW SI DE LIMA LABAN KAY VP SARA KASI LUMALABAS NA PINEPERSONAL NIYA ANG ANAK NG PRESIDENTENG NAGPAKULONG SA KANYA -- Matapos kontrahin ni Vice Pres., Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio ang amnesty program at peace talk sa mga komunista ng Marcos administration, sinabihan ni former Sen. Leila de Lima ang bise presidente na mag-resign na bilang miyembro ng gabinete ni P-BBM.


Dapat hindi na nakisawsaw si De Lima sa isyu kasi ang panawagan niyang mag-resign si VP Sara bilang DepEd sec. ay lumalabas na pinepersonal niya ito dahil ang ama nito na si ex-P-Duterte ang nagpakulong sa kanya tungkol sa kasong may kinalaman sa droga, period!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page