De Lima, nakaramdam ng distress at pananakit sa dibdib
ni Lolet Abania | October 9, 2022

Maliban sa ilang naramdamang sakit at distress, ipinahayag ng detainee na si dating Senator Leila de Lima na siya ay ligtas na, matapos ang inilarawan niyang ‘near-death experience’ nang ma-hostage ng isang inmate sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, umaga ng Linggo.
Sa isang statement na inilabas ngayong hapon, sinabi ni De Lima na nakararamdam siya ng tumatagal na sakit o lingering pain sa kanyang dibdib kung saan naitutok ng suspek ang kutsilyo sa nangyaring insidente.
“After being told by the hostage-taker that since his two other companions were already dead, he’s certain he would also be killed and he might just as well also kill me, I consider what happened to me as a near-death experience,” pahayag ni De Lima. “While I am still trying to recover psychologically and emotionally from this harrowing experience, I am sure of one thing that I learned from it. Being so near death has only made me value life even more,” sabi ni De Lima.
Una nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) General Rodolfo Azurin Jr. na si De Lima ay hinostage ng isang person under police custody (PUPC), na nagtangkang tumakas ng custodial center.
Kinilala ang suspek na inmate na si Feliciano Sulayao Jr., kasama ang dalawa pa na sina Arnel Cabintoy at Idang Susukan na sinubukang tumakas sa custodial center. Tumakbo ito patungo sa custodial cell ni De Lima at ginawa siyang hostage.
Ang tatlong PUPCs ay nai-report na napatay din kalaunan, matapos na isang police officer na si Police Corporal Roger Agustin ay pagsasaksakin ng mga ito nang tangkang tumakas, habang isang officer on duty na si Patrolman Lorenz Matias ang nagawa silang paputukan at tumawag ng responde. Ilang tauhan naman ng Special Action Force (SAF) ang nakapatay kay Sulayao.
“Please pray also for the injured police officer who, like me, was the other but more unfortunate victim of this incident,” saad ni De Lima.
“While I have survived with only a knife mark and some considerable distress, he is still fighting for his life. Let us all pray for his quick recovery,” dagdag pa ng dating senadora.





Comments