top of page
Search
  • BULGAR

DDS vs. BBM loyalist sa 2022 elections, abangan!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 13, 2021



HIDILYN DIAZ, MARIA RESSA AT P-DUTERTE, TATLONG PILIPINO NA NAITALA SA KASAYSAYAN NG MUNDO—Tatlong Pilipino ang naitala sa kasaysayan ng mundo — ang weightlifter na si Hidilyn Diaz, na kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gold medal sa Olympic sa Japan; ang journalist at CEO ng Rappler na si Maria Ressa, naman ang kauna-unahang Pilipino na ginantimpalaan ng Nobel Peace Prize Award sa Norway at si Pangulong Rodrigo Duterte, na siya namang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na sinampahan ng kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) sa Netherlands, boom!


◘◘◘


MGA DDS, GULUNG-GULO NA ANG UTAK KASI PANAY BASH SILA KAY MARIA RESSA, TAPOS KINU-CONGRATULATE NG MALACAÑANG—Binash nang todo ng mga DDS si Maria Ressa matapos siyang ay magantimpalaan ng Nobel Peace Prize Award.


Dahil isa si Maria Ressa sa mga kritiko ng Duterte gov’t., buong akala ng mga DDS ay babatikusin ng Malacañang ang nakamit nitong na award, pero nagkamali sila kasi sa pamamagitan ni Presidential spokesman Harry Roque ay kinu-congratulate pa ito ng Malacañang.


Siguro, gulung-gulo na ang utak ng mga DDS kasi todo-tanggol pa sila kay P-Duterte sa ginagawa nilang pamba-bash kay Ressa, tapos ‘yung bina-bash nila ay kinu-congratulate ng Malacañang, ha-ha-ha!


◘◘◘


HANGGA’T HINDI PA SUMASAPIT ANG NOV. 15, ‘WAG MUNANG MANIWALA NA HINDI TATAKBONG PANGULO SI MAYOR SARA—Hangga’t hindi sumasapit ang substitution ng mga kandidato sa Nov. 15, 2021 ay huwag munang paniwalaan ng publiko ang sinabi ni Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbong pangulo at huwag din munang paniwalaan ang sinabi ni P-Duterte na “out” na sa 2022 presidential race ang kanyang anak.


Malinaw ang sinabi ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, presidential candidate ng PDP-Laban na kung tatakbo sa pagka-pangulo si Mayor Sara ay aatras siya.


Para sa kaalaman ng publiko, isang nagngangalang Anna Velasco ang nag-file ng candidacy for president sa ilalim ng Lakas-CMD na may alyansa sa partidong Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Sara, at kapag tumuloy siya sa laban sa pagka-pangulo, magwi-withdraw si Velasco.


Kapag nangyari ‘yan, tuloy na ang tambalang Mayor Sara-Sen. Bong Go, Sara ng Lakas-CMD for president at Bong Go ng PDP-Laban for vice-president, abangan!


◘◘◘


KAPAG NAGKALABAN SA PAGKA-PANGULO SINA MAYOR SARA AT BBM, ASAHAN NANG MAGBABANGAYAN SA SOCIAL MEDIA ANG MGA DDS AT MARCOS LOYALISTS—Sakaling tumuloy sa laban sa pagka-pangulo si Mayor Sara, at dahil wala na ring atrasan si former Sen. Bongbong Marcos sa laban sa pagka-pangulo ay d’yan na mangyayari na ang magkaibigan at magkaalyado sa pulitika ay magiging magkalaban sa 2022 presidential election.


At dahil d’yan, asahan nang magbabangayan sa social media ang mga DDS at Marcos loyalists, boom!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page