DDS, Tiklop kay Sec. Locsin na kumampi kay Angel Locsin
- BULGAR
- Apr 26, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 26, 2021
KAPAG HINDI TINANGGALAN NG PONDO ANG NTF-ELCAC, ISISIPIN NG PUBLIKO NA ISTUPIDO ANG MGA SENADOR—Sinabihan ni SolCom (Southern Luzon) chief, Gen. Antonio Parlade, spokesman ng NTF-ELCAC (National Task Force-End Local Communist Armed Conflict) na istupido ang mga senador na nagnanais tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC dahil ikinumpara niya kay Satanas si Patricia Non, ang organizer ng community pantry
Sa isyung ito, mas dapat na pursigihin ngayon ng mga senador na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC kasi kung hindi nila ito gagawin ay lalabas sa paningin ng publiko na tiklop sila kay Parlade, na istupido ang mga miyembro ng Senado, period!
◘◘◘
DDS, TIKLOP KAY SEC. LOCSIN—Kabilang sina Sec. Teddyboy Locsin ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Liza Soberano sa mga dumipensa kay Angel Locsin tungkol sa isyu ng pagkamatay ng senior citizen na pumila sa kanyang birthday community pantry sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City, na ayon anila ay hindi kailangang mag-sorry ang aktres sa publiko dahil maganda ang kanyang hangarin na makapagbigay ng makakain sa mga nagugutom at hindi niya kagustuhan ang pagkamatay ng lolo.
Dahil sa pagtatanggol kay Angel, binash ng mga DDS (Duterte Diehard Supporters) bloggers si Liza, pero hindi binash si Sec. Locsin.
Ang nakikita nating dahilan kaya hindi binash ng mga DDS si Sec. Locsin ay dahil kilala itong palamura, na maaaring ayaw ng mga DDS bloggers na putaktihin sila ng mura ng DFA sec. kapag binash nila ito, boom!
◘◘◘
PERA NI ANGEL, DAGAT NI P-DUTERTE—Bukod sa pagkamatay ng senior citizen ay binabatikos din ng mga DDS bloggers ang pamimigay ng pera ni Angel sa taga-GMA network.
Aba, teka, bakit naging isyu ‘yan, eh, sariling pera naman ni Angel ang pinamimigay niya at walang masama kung mamigay siya ng pera sa kung sino ang gusto niyang bigyan.
Ang bad ay ‘yung sinabi ni P-Duterte noong July 2019 na bilang pangulo ay siya ang may-ari ng dagat ng Pilipinas, at dahil feeling niya siya talaga ang may-ari ay pinayagan ang China, ang mga Chinese na mangisda sa West Philippine Sea (WPS), na dapat sana ay mga Pinoy lang ang nakikinabang sa mga isdang nasa karagatan ng bansa, period!
◘◘◘
DDS HATE ANG COMMUNITY PANTRY PERO NAKIKIPILA PARA KUMUHA NG MAKAKAIN—Isang hindi kilalang DDS na may suot na facemask na may nakatatak na “Duterte” ang nag-viral sa social media kasi nakita siyang may dalang malaking eco bag habang kumukuha ng mga makakain sa community pantry.
Banat ng mga netizens, batikos nang batikos ang mga DDS sa community pantry, pero nakikipila rin pala para kumuha ng makakain, boom!





Comments