top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

DDS, sopla… MOCHA, INAYAWAN NG KAMPO NI BBM, LUMIPAT KAY ISKO

BULGAR
Mar 21, 2022
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 21, 2022




May sagot ang kampo ng presidential aspirant na si Bongbong Marcos sa ipinakakalat ngayon ng DDS na si Mocha Uson na kaya siya lumipat kay Isko Moreno kahit pa identified siyang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil ayaw niya kay BBM.


Chika sa amin ng isang insider mula sa grupo nina BBM at Sara Duterte, ‘wag daw nang-aano (gay lingo) o nantsa-charot itong si Mocha na pinalalabas pang siya ang may ayaw o umayaw kay BBM dahil ang totoo, isinusuka siya ng mga mismong supporters at iba pang vloggers na sumusuporta sa ka-tandem ni Inday Sara.


Hindi asset kundi liability daw ang tingin nila kay Mocha na na-involve na sa kung anik-anik na iskandalo. Hindi raw nababagay ang image ni Mocha para mapasama sa Team Unity nina BBM at Sara.


Kaya sigaw pa ng mga supporters ni BBM, tigilan ni Mocha ang mga press release niya para lang makapagpaganda (girl siya kaya ‘di makapagpapogi, char!) sa isa pang presidentiable na si Manila Mayor Isko Moreno.


Boom! Burn si Mocha!


Ano kaya ang magiging reaksiyon ng DDS na ito na tumatakbo ngayong partylist representative ng grupong parang kabuteng bigla na lang tumubo sa lumot? Nyahaha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page