Dawit sa anomalya ng flood control projects… MAYOR VICO: DISCAYA, GAME MAGBAYAD NG P10 M MAINTERBYU LANG NI JULIUS
- BULGAR
- 1 day ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 23, 2025

Photo: Mayor Vico Sotto / viral posts / Circulated - FB
Ramdam namin ang galit ni Pasig City Mayor Vico Sotto kay Sarah Discaya na nakatunggali niya sa pagka-mayor sa nakaraang 2025 midterm elections dahil kasama ang pangalan nito sa 15 contractors na may maraming flood control projects.
Dalawang kumpanya ang pag-aari ni Discaya sa 15 na binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM), ang Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp. at St. Timothy Construction Corporation.
Bukod sa dalawang kumpanyang ito ay binanggit ni Mayor Sotto na ang iba pang pag-aaring kumpanya ng Discaya family ay ang St. Gerrard Construction, Elite General Contractor and Development Corp., St. Matthew General Contractor & Development, Great Pacific Builders and General Contractor, YPR General Contractor and Construction Supply, Amethyst Horizon Builders and General Contractor & Dev’t Corp., at Way Maker OPC.
Nakilala nang husto ng publiko ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya sa panayam ni Julius Babao sa kanyang YouTube (YT) channel noong Setyembre 17, 2024, dahil ikinuwento nila na dati silang mahirap pero nang tumanggap sila ng mga proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nabago ang antas nila sa buhay dala ng kanilang pagsisikap.
At dahil sa pag-aming ito ng mag-asawang Discaya na konektado sila sa DPWH ay nag-one plus one na ang mga netizens na kabilang sila sa umano’y may anomalyang proyekto sa flood control nationwide, lalo’t binanggit ni PBBM ang dalawang kumpanyang pag-aari nila.
Sa kanyang Facebook (FB) account ay ipinost ni Mayor Vico ang screenshots ng panayam ni Julius sa mag-asawang Discaya at nanawagan sa mga journalists tungkol dito, na umano’y may bayad na P10 million ang nasabing interview.
Ang caption ng Ama ng Pasig City, “With these interviews again going viral, let’s look at it from a different angle..
“Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na pumapasok sa pulitika, hindi ba nila naisip na, ‘Uy, teka, ba’t kaya handa ‘to magbigay ng P10M para lang magpa-interview sa akin?’
“I know for a fact that there are many good, honest people in the media who are disappointed, if not angered, at practices like this which undermine the integrity of their profession.
“In this case, maybe they didn’t do anything technically ‘illegal,’ but at the very least it should be considered shameful and violative of the spirit of their code of ethics. Puwede silang magtago sa grey areas, ‘Hindi naman journalism ito, more of lifestyle lang, kailangan kasi ng sponsor…’ Pero ‘wag na tayong maglokohan. They rose to national prominence as broadcast journalists/news personalities; puhunan (dapat) nila ang kanilang reputasyon at kredibilidad at sa ganitong kalakaran, ito rin ang reputasyon at kredibilidad na pinahihiram nila sa mga
corrupt kapalit ng (emoji paper bills).
“Let’s remember that corruption is systemic... it permeates into every sector of society, not just government. But we can slowly but surely break this cycle if more and more of us consistently do our part, wherever we are and whatever our position may be, one step at a time. (Not an exact figure pero alam n’yo na).”
Dagdag pa niya sa comment section, “Hindi naman sa gusto kong gumawa ng bagong kaaway, pero tingin ko, kailangan ding mapag-usapan ito, eh. Nagkataon malakas ako nu’ng halalan pero kung sa iba nila ginawa ‘to, baka wala na. Anyway. Kayo na po ang bahala sa ‘kin (praying hands emoji).”
Trending ang post na ito ni Mayor Vico dahil umabot na ito sa 28,000 shares at 5,500 comments as of this writing.
Samantala, pinalagan ito ng TV5 news anchor ng Frontline Pilipinas (FP) na walang halagang involved sa kanyang panayam sa mga Discaya. Nagpadala kami ng mensahe kay Julius Babao sa kanyang Facebook (FB) Messenger at Instagram (IG) Direct Message pero hindi pa niya ito nababasa.
Comments