top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Davis, Green, Forrest at Dinwiddie, matindi

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 04, 2022





Nakatulong sa Los Angeles Lakers ang pag-uwi sa Crypto.com Arena at nanumbalik sa panalo kontra sa bisitang Portland Trail Blazers, 99-94, sa pagpapatuloy ng NBA kahapon. Galing ang Lakers sa anim na road games kung saan dalawa lang ang naipanalo at tatlo ang talo.


Kahit walang shoot ang Lakers sa last 2 minutes, matatag sa free throw sina Anthony Davis at Malik Monk upang mapigil ang banta ng Blazers. Humalimaw si Davis ng 30 puntos at nag-ambag ng 24 puntos si reserba Carmelo Anthony para naitala ng Lakers ang ika-25 panalo habang nagpapagaling ng magang tuhod si LeBron James.


Bumida sina kabayan Jalen Green, Christian Wood at Kevin Porter Jr. na may tig-5 puntos sa 4th quarter upang mapigil ng Houston Rockets ang Cleveland Cavaliers, 115-104. Parehong nagtapos na may 21 puntos sina Green at Wood.


Nagtala ng tig-10 puntos ang mga bida sa Utah Jazz para sa 108-104 panalo sa Denver Nuggets. Sumandal ang Jazz kay Trent Forrest na may 18 at Mike Conley, 17.


Ginamit ng Sacramento Kings ang biglang paglambot ng Brooklyn Nets sa 4th quarter at maukit ang 112-101 tagumpay at isampal sa Nets ang ika-6 na sunod na talo. Ipinasok ni Damian Jones ang siyam na puntos sa 4th quarter upang suportahan sina Harrison Barnes, sa 19 puntos at Davion Mitchell sa 18.


Nagpasikat sa Boston Celtics para sa 23 puntos ang reserba na sina Josh Richardson at Marcus Smart sa 22 puntos at talunin ang Charlotte Hornets, 113-107.


Dalawang mahalagang free throw ang itinuldok ni Spencer Dinwiddie sa may 0.8 segundong nalalabi upang masigurado ang 106-103 panalo ng Washington Wizards sa Philadelphia 76ers. Nagtapos si Dinwiddie sa 14 puntos habang nanguna sa Wizards si Kyle Kuzma na may 24 puntos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page