top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

David, sinagot na... "He's so cute" — Maria Ozawa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 15, 2024




Sa isang kamakailang episode ng GMA game show na "Family Feud," naging sentro ng atensyon si Kapuso actor David Licauco dahil sa kanyang kakaibang sagot na nag-viral.


Tinanong ng host na si Dingdong Dantes ang team ni David kung ano ang puwedeng idugtong sa pangalan na "Maria."


Matapos sumagot nang tama ang isa sa mga teammates na "Clara," ibinigay ni David ang kanyang sagot na "Ozawa." Ang hindi inaasahang sagot nito ay nagdulot ng kantiyawan at pang-aasar sa social media, kung saan ibinahagi ng mga viewers ang nakakatawang sandaling iyon.


Bilang pagtugon sa viral video, nag-post si Japanese actress Maria Ozawa sa kanyang Instagram story upang ibahagi ang kanyang saloobin.


Dala ng kaunting kakulitan, isinulat niya, "He's so cute," na nagpapakita ng masayahin at positibong reaksiyon sa pilyong sagot ng aktor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page