Davao Oriental, niyanig ng 5.7-magnitude na lindol
ni Lolet Abania | September 12, 2022

Niyanig ng 5.7-magnitude na lindol ang Davao Oriental ngayong Lunes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa ulat ng PHIVOLCS, alas-4:14 ng hapon naitala ang lindol na ang epicenter ay matatagpuan sa layong 163 kilometro timog ng Tarragona, Davao Oriental. Ito ay tectonic in nature at may lalim na 52 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II sa Davao City.
Nai-report naman ang Instrumental Intensity III sa Santo Niño, South Cotabato; Intensity II sa Malungon, Sarangani; at Intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro; Alabel, Sarangani; Koronadal City at General Santos City, South Cotabato; Davao City.
Ayon sa PHIVOLCs, wala namang napinsala matapos ang lindol subalit asahan na ang mga aftershocks.





Comments