Davao del Sur, niyanig ng 5.6-magnitude na lindol
BULGAR
Aug 15, 2022
1 min read
ni Lolet Abania | August 15, 2022

Niyanig ng 5.6-magnitude na lindol ang Davao del Sur ngayong Lunes ng hapon, batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Tectonic ang pinagmulan ng malakas na lindol na may lalim na 6 kilometro. Ang epicenter nito ay matatagpuan sa layong 11 kilometro west ng Magsaysay, Davao del Sur.
Ayon sa PHIVOLCS, inaasahan na ang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.





Comments