top of page
Search
  • BULGAR

Davao del Sur, niyanig ng 5.5-magnitude na lindol

ni Lolet Abania | August 15, 2022



Niyanig ng 5.5-magnitude na lindol ang Davao del Sur ngayong Lunes ng hapon, batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Sa kanilang ikalawang advisory, ibinaba ng PHIVOLCS ang magnitude level sa 5.5 mula sa naunang 5.6 magnitude habang maraming lugar ay naramdaman ang pagyanig.


Alas-4:23 ng hapon naitala ang malakas na lindol na tectonic ang pinagmulan at may lalim na 24 kilometro. Ang epicenter nito ay matatagpuan sa layong 12 kilometro southwest ng Magsaysay, Davao del Sur.


Ayon sa PHIVOLCS, inaasahan na ang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page