top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dating super-sikat... TF NI IAN, MILYONES NOON, BUMABA NA SA P500K NGAYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2024
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | January 23, 2024



Kung tutuusin daw pala ay bumaba na ang asking price ni Ian Veneracion sa pinag-uusapang sobrang taas daw na TF nito for a show amounting to P500 K.


Noon daw kasing kasagsagan ng kasikatan nito lalo na noong itinuturing itong prince charming ng primetime with his then shows Pangako Sa ‘Yo at ‘yung teleserye nila ni Bea Alonzo, umaabot pa nga raw talaga nang milyon ang asking fee nito.


And yes, walang nagrereklamo at nagkokondena dahil pinapatulan, kinakagat at totoong ine-enjoy ng mga noo’y sobrang humahanga sa aktor.


Pero ang totoo raw pala sa pagbibigay nito ng ganu’n kalaking TF ay dahil sinusubukan lang nitong “umayaw” kaya’t nagbibigay sila ng presyong “paayaw.”


Nagkakataon lang nga na kinakagat lalo’t tunay namang kinakikiligan si Ian na years ago ay sobrang fresh and delicious-looking. Eh, may talent pa sa pagkanta kahit ayaw nitong mag-perform in public, parang napipilitan na lang ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page