top of page
Search
  • BULGAR

Dating school calendar, panahon na para ibalik

@Editorial | Abril 8, 2024



Grabe na talaga ang init. 


Hirap ang mga guro at estudyante na makapagpokus sa aralin. Hindi na rin uubra ang electric fan.


Base sa tala, halos apat na milyong mag-aaral na ang apektado ng matinding init. 


Ang masaklap, may mga nagkakasakit na rin, at dahil hanggang Mayo pa ang mainit na panahon, tiis pa more.


Bagama’t sinabi na ng Department of Education (DepEd) na pinahihintulutan nila ang suspensyon ng face-to-face classes sa mga lokalidad, kung nakakaranas ang mga ito ng matinding init, may iba pang panawagan sa kagawaran.


Ito ay ang ibalik na sa dating school calendar na Hunyo-Abril ang pasukan ng mga estudyante. 


Kung posible naman, kailangang pagpasyahan na ito para hindi na nagtitiis sa mala-oven na classroom ang mga bata at guro.


Huwag na sanang hintayin pa ang nangyaring insidente noong nakaraang taon kung saan maraming mga estudyante ang nagkasakit dahil sa matinding init at hindi naman makapasok sa iskul ang ilang guro dahil masama rin ang pakiramdam. 


Kung uubra, baka puwede ring pabilisin ang transition mula sa lumang school calendar.


At kung hindi maaaprubahan, tulad ng dinanas noong nakaraang taon at dinaranas ngayon, malaki ang posibilidad na ganito pa rin ang hirap at pagtitiis na mangyayari sa susunod na taon.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page