Dating Press secretary Dong Puno, pumanaw na

ni Lolet Abania | February 15, 2022

Pumanaw na ang veteran broadcaster at dating Press secretary na si Ricardo “Dong” Puno, Jr. ngayong Martes sa edad na 76, ito ang kinumpirma ng kanyang pamilya.
Ayon sa anak ni Puno na sina Ricky at Donnie, binawian ng buhay ang kanilang ama bandang alas-12:15 ng tanghali sanhi ng matagal nang karamdaman.
Si Puno, na isa ring abogado, ay nagsilbi naman bilang senior vice president ng ABS-CBN News and Current Affairs.
Noong 2000, itinalaga si Puno ni dating Pangulong Joseph Estrada bilang Press secretary bago tumakbo sa Senate ng sumunod na taon, kung saan natalo siya sa senatorial race.
Si Dong ay anak ni dating Justice Minister at Court of Appeals Associate Justice Ricardo Puno Sr., na nagtatag din kasama siya ng Puno & Puno Law Offices.





Comments