Dating manager, nagsalita na… SHIRLEY KUAN: BEA, ‘DI KAWALAN!
- BULGAR

- 12 minutes ago
- 4 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 26, 2026

Photo: News5 / IG beaalonzo
Itinanggi ng dating talent manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan (SK) na may naging papel siya sa pagkansela ng planong kasal nina Bea at Vincent Co sa Spain at sa isyung prenuptial agreement.
Ayon kay SK, hindi siya nakialam sa paghahanda para sa kasal, tumulong lamang daw siyang ipaalam sa mga bisita ang kanselasyon matapos siyang hingan ng pabor ni Bea sa pamamagitan ng business partner nitong si Bea Secosana.
“Nakatanggap ako ng text mula sa kanyang business partner, si Bea Secosana, resibo ko ‘to, noong Biyernes, Mayo 8: ‘Hi Tita. Humingi po ng pabor si Bea kung puwede po kayong mag-message sa mga bisita at kay Amanda at sa wedding coordinator. Ito po ang gusto n’yang sabihin.’ S’ya ang sumulat ng buong mensahe para ipadala sa mga bisita n’ya.
“Sinabihan umano ni Bea si Bea Secosana na ipadala ‘to sa akin,” sey ni SK.
Nagpasya raw siyang ilagay ang kanyang pangalan sa mensahe upang malaman ng mga tatanggap na lehitimo iyon at hindi isang prank.
“I decided to add ‘Hi, this is SK’ so they know it’s not a prank because SK is credible.
“My dilemma was, should I put my name or send it as is—people might think it is a prank and it will be all over social media again. This is not supposed to be taken as a joke. This is a serious matter. And kaming manager, ‘pag hiningan ng tulong ng artist, even if it’s not our job, we are there to help. Especially in this kind of situation,” dagdag pa niya.
Nilinaw din ng talent manager na hindi niya nakita ang nakasaad sa prenup, hindi rin daw niya tinanong kung nasaan ito at alam din niyang nagkaroon ng pirmahan nu’ng nasa Los Angeles siya.
Nilinaw din ni Kuan na wala siyang naging access sa prenuptial agreement nina Bea at Vincent. Pakli niya, hindi raw niya nakita ang dokumento at hindi rin niya tinanong ang aktres tungkol dito.
“Ni anino, one sentence, ‘di ko nakita. I know there is one pero ‘di ako nagmahadera na, ‘Nasaan na ang prenup?’ ‘Di ako nakialam. I did not ask about it. Nalaman ko na lang, nagpirmahan na—and nagpirmahan sila when I was in LA. Wala akong alam. I was not here,” pagdidiin ng ex-manager ng aktres.
Iginiit din niyang hindi siya bahagi ng proseso at ang tanging sinabi lang daw niya ay dapat naaayon sa batas ang anumang input tungkol dito.
Aniya, “‘Di ako kasali r’yan. Ang sinabi ko lang, kung meron kang input, Attorney, it should be within the bounds of law. ‘Yun lang. Masama ba ‘yun? Pakikialam ba ‘yun? May narinig ako, isinasali ko sarili ko sa prenup. May commission daw ako. What? Is that ever done? How insulting is that.”
May ibinahagi pa si SK na umano’y naging huling pangyayari bago niya tuluyang tinapos ang professional relationship nila ni Bea.
Ayon sa kanya, may isang event na siya ang nakipag-deal at inihahanda na niya, ngunit kalaunan ay sinabi sa kanya na hindi na siya inimbitahan o kasama sa naturang engagement.
“The third trigger point was the last straw… There was an event that was my deal. I was talking to the client and preparing for the event, but I was told I was disinvited. Even if the client did not tell me, I know what happened. ‘Di ako galit, but I am a hypocrite if I say I am not offended. I told Bea that was the last straw,” aniya.
Ang sabi naman daw ni Bea, hindi nito alam ang nangyari.
“She said that she did not know. And I told her, now I am telling you, as of this very moment and this very day, I am no longer your manager. That was August 11,” deklara ni SK.
Nilinaw din ng manager sa harap ng press ang mga komento tungkol sa umano’y pagiging ‘cash cow’ ni Bea sa kanya.
Mariin niya itong itinanggi at sinabi niyang hindi nakasalalay sa aktres ang kanyang kabuhayan bilang talent manager.
Diin ni SK, “I just wanna make this clear, ha? Bea did not make me rich, nor will she make me poor. So stop calling her my cash cow. I have bigger stars that I’m handling who are busier than her.”
Si Shirley Kuan ay mahigit tatlong dekada na sa industriya. Malawak na ang kanyang kaalaman tungkol sa showbiz. Siya rin ang namamahala sa career nina Helen Gamboa, Albert Martinez, Hilda Koronel, Donna Cruz, Agot Isidro at Andrea Brillantes.
Ito naman ang sey ng mga netizens:
“Totoo naman kasi, during the height of the issue involving Bea and her wedding in Europe, sobrang tahimik lang talaga si Shirley Kuan despite all the bashing. Grabe rin ‘yung mga nangyayari, so siguro, napuno na talaga s’ya and she felt like she had no choice but to speak out.”
“Imagine, sinabihan ka lang na cancelled ‘yung wedding nila when you’re already at the airport or on your way to Europe. Spell STRESS talaga! Anyway, naniniwala ako sa ex-manager n’ya.”
“Yes, true, si Bea talaga ang may problem and I can smell an annulment soon.”
“‘Yung sister ko kanina, super-invested sa interview ng ex-manager n’ya (Bea). Narinig ko na ang mga detalye at stressful naman talaga ‘yung nangyari. Hahaha! Hopefully, happy talaga si Bea at ‘di lang pansamantala!”
“Agree.”
“Kakarmahin ‘yung mga walang utang na loob.”
Wala pang pahayag ang aktres tungkol sa naging pahayag ng kanyang ex-manager.





Comments