top of page

Dating mabenta sa endorsements… SHUVEE, NA-BASH DAHIL KINA DU30 AT VICE, BIGLANG NATAMEME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 14
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 14, 2025



Shuvee Etrata

Photo: Shuvee Etrata / IG



Nagtataka ang mga fans at supporters kung bakit biglang nanahimik si Shuvee Etrata. Noong kalalabas lang niya sa Pinoy Big Brother (PBB) House, kabi-kabila ang kanyang mga guestings at interviews. Dumagsa rin ang offer na mga product endorsements. Mabangung-mabango rin si Shuvee sa social media. Lahat ng kanyang kilos at mga kaganapan ay updated ang kanyang mga tagahanga.


Pero nang lumabas ang lumang video clip kung saan nagkomento siya nang pabor kay former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), bigla siyang na-bash. At kahit nag-sorry na si Shuvee kay Vice Ganda nang dahil sa ‘dyodyowain o totropahin’ video kung saan sinabihan niyang ‘Eww’ ito, patuloy ang panlalait sa kanya ng mga bashers.


Well, sabi nga, you cannot please everybody. Dahil sa inggit ng iba sa kanyang tinatamong kasikatan ay hinihila siyang pababa upang bumagsak. 


Maaaring pinayuhan si Shuvee Etrata ng GMA Management na manahimik muna upang hindi siya mapahamak. Sobra kasing nagpakatotoo ang aktres, at ito ang ginagamit na panira sa kanya.


Sabi nga, less talk, less mistakes. Kaya tahimik na ang mundo ngayon ni Shuvee Etrata pero hindi ito nangangahulugan na sumusuko na siya. Magpapakatatag siya sa lahat ng pagsubok para sa magandang kinabukasan ng kanyang pamilya.



NAGULAT si Kathryn Bernardo nang malaman na nag-venture ang kanyang Mommy Min sa pagpo-produce ng pelikula. Isa si Mommy Min sa mga producers ng UnMarry, isang pumasok na pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025. Ang Quantum Films ang major producer ng UnMarry, na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, mula sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.


Maging si Atty. Joji Alonso ay hindi makapaniwala na papasukin ni Mommy Min ang pagpo-produce ng pelikula, marami na kasi siyang negosyong naipundar. 

For sure, masusundan pa ang mga pelikulang ipo-produce ng mom ni Kathryn. May sarili naman siyang pera at gamay na rin niya ang mundo ng showbiz at baka sumosyo rin siya kung may movie na gagawin si Kathryn Bernardo sa ibang movie outfits.


Negosyo rin naman ang pagpo-produce ng pelikula at hindi naman pagsisisihan ni Mommy Min Bernardo ang kanyang pagko-co-produce ng pelikulang UnMarry.



Ex mo, Barbie, todo-deny…

JAK, OBYUS NA IN LOVE PERO ‘DI MAAMIN SI KYLIE



AYON sa Kapuso actor na si Jak Roberto, hindi raw mahirap mahalin ang isang katulad ni Kylie Padilla. Napaka-genuine raw ng aktres at hindi plastic sa mga taong nakakasalamuha, kaya naging magaan ang kanilang pagtatrabaho sa katatapos na afternoon soap ng GMA-7, ang My Father’s Wife (MFW).


Nali-link ngayon sa isa’t isa sina Kylie at Jak, super sweet kasi sila sa taping. Maging ang kanilang mga co-stars sa MFW ay lagi silang tinutukso dahil mistulang lovers silang hindi na naghihiwalay.


Ganunpaman, nang mag-guest si Jak Roberto sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), itinanggi niya na nililigawan niya si Kylie Padilla. Hindi napaamin ni Abunda ang aktor sa real status ng kanilang relasyon ni Kylie. 


Pero base sa kanilang body language kapag magkasama, may something special na mapapansin kahit walang pag-amin na nagaganap.


At obvious din sa mga kilos ni Jak Roberto na may kakaiba siyang saya kapag kasama ang ex-wife ni Aljur Abrenica. So ang tawag kaya doon ay M.U. (mutual understanding) lang sila ni Kylie Padilla?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page