top of page
Search
  • BULGAR

Dating LPA, ganap nang TD Ester — PAGASA

ni Lolet Abania | July 29, 2022




Nadebelop at naging isa nang tropical depression ang low pressure area (LPA) na namataan sa northern Luzon, ayon sa PAGASA ngayong Biyernes.


Sinabi ng PAGASA na ang weather disturbance, na pinangalanang Ester, ay pinalakas pa na naging isang bagyo ng alas-2:00 ng hapon ngayong Biyernes.


Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang state weather bureau subalit ayon sa ahensiya, mag-iisyu sila ng Tropical Cyclone Bulletins simula alas-5:00 ng hapon.


Batay sa naunang advisory ng PAGASA, ang dating LPA ay magdudulot ng mga pag-ulan sa malawak na bahagi ng bansa.


Gayundin, huling namataan ito sa layong 880 kilometro east ng extreme northern Luzon.


Nagbabala rin ang PAGASA na ang pinagsamang epekto ng weather system at ng habagat o southwest monsoon ay magdudulot ng kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtaman at paminsang malalakas na mga pag-ulan at thunderstorms sa buong Calabarzon, Mimaropa, Metro Manila, Bicol, Samar provinces, Zambales, Bataan, at Antique sa susunod na 24 oras.


"Under these conditions, scattered flooding and rain-induced landslides are likely, especially in the areas that are highly or very highly susceptible to these hazards," pahayag ng PAGASA.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page