Dating Kapamilya, Kapatid na ngayon… BILLY, NAGSALITA NA SA PAGTAPAT SA IT'S SHOWTIME
- BULGAR

- Oct 15, 2020
- 3 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 15, 2020

Sobrang happy and blessed si Billy Crawford dahil kasabay nga ng kanyang pagiging bagong ama ay may dumating ding bagong trabaho sa kanya.
He’s now with TV5 at dalawa agad ang ibinigay na shows sa kanya ng Bright Light Productions ni Rep. Albee Benitez, blocktimer producer sa Kapatid Network. Ito ay ang Masked Singer Pilipinas at ang noontime show na Lunch Out Loud.
Sa Zoom presscon nga kahapon for LOL ay natanong si Billy kung may time pa ba siya para sa kanyang pamilya sa pagdating ng kanyang dalawang shows.
“Ang pinakaimportante, I get to manage my time,” ani Billy, “alam n’yo po, ‘yung taping hours naman po, hindi katulad ng dati, kasi we still have to abide by all the rules and regulations about the swabbing.”
Pero hindi raw talaga maiiwasan na may kaba factor din because of the pandemic.
“Siyempre, ‘yung risk din po na kapapanganak nga lang ng anak namin ni Coleen, so ‘yung kaba, ‘yun ‘yung pinakanakakatakot para sa amin. Pero ‘yung working hours po, hindi po kami nag-e-exceed ng mga working hours. So, I still have time with my kid,” aniya.
At dahil nga isa na siyang ama, kapag nasa trabaho siya, pakiramdam daw niya ay laging gusto niyang umuwi na.
“Alam n’yo ‘yung 'pag nasa trabaho ka, kahit katutuntong mo lang du’n, uwing-uwi ka na dahil gusto mo lang siyang makuha or mayakap or mapa-burp man lang.
“Pero ‘yun ‘yung ilang mga sakripisyo na kailangan pong gawin ng isang tatay para maitawid nang maayos ‘yung pangarap ng anak namin,” he said.
Of course, we know na galing sa It’s Showtime si Billy at ngayon nga ay magkakatapat na ang dati at bagong noontime show niya, plus ang Eat… Bulaga! pa na longest-running noontime show. Nilinaw naman ng TV host na hindi raw sila nakikipagkumpitensiya sa mga nauna na.
“We’re not trying to compete, hindi po kami nakikipagkumpitensiya dahil may mga talagang sobrang nauna na po sa amin talaga. ‘Yan po ang Eat… Bulaga!, pati na rin ang It’s Showtime. We just want to add more fun and we just want to send more love out there and hopefully, inspire people, lahat ng nanonood po, na makatulong po tayo. Magsama-sama at magkaisa po. ‘Yan po ang gusto naming paratingin sa buong mundo na unity is more important and humility,” he said.
Natanong nga rin namin si Billy kung mapapanood na rin ba si Coleen sa TV5 at kung ready na ba ito to get back to work at ayon sa TV host, sobrang hanga nga siya sa kanyang misis.
“Hindi naman maiiwasan ‘yung pakiramdam ni Coleen na gusto niyang bumalik sa trabaho, pero talagang du’n po talaga ako humahanga sa kanya, as in saludung-saludo po ako sa kanya, ‘yung lahat ng sakripisyo niya para sa anak namin. As in halos every 30 minutes or every 2 hours, she’s breastfeeding.”
Kaya thankful naman daw siya na nabigyan ng pagkakataon si Coleen na magpahinga and be a mom. Kung magkakaroon daw ito ng offer ay ito ang bahalang mag-decide dahil pagdating naman daw sa career ay hindi sila nagpapakialaman.
Kasama rin ni Billy sa LOL sina Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Ariel Rivera, Wacky Kiray, K Brosas, KC Montero and Macoy Dubs. Magsisimula na ang airing nito ngayong October 19 at mapapanood Monday to Saturday, 12-2 PM.





Comments