Dating gobernador mula sa Region 4...
- BULGAR

- Sep 17, 2020
- 2 min read
Astang powerful pero kakaba-kaba namang mawala sa puwesto ang angkan dahil malaki ang chance ng sikat na mayor na manalo sa pagka-gobernador
ni Chit Luna - @Yari Ka! | September 17, 2020
Balisa ngayon ang isang dating gobernador mula sa Region 4-A dahil malamang ay mabura na sa mapa ang pangalan ng kanilang angkan—na naghari ng ilang dekada sa isang probinsiya sa nasabing rehiyon.
Natuwa naman marami sa balitang kumalat sa social media, kung saan popondohan ng malaking partido ang magaling na mayor para tumakbong gobernador ng probinsiya.
Kapag tinatanong ng mga tao si mayor kung handa na siya sa panibagong political career, ang sagot lamang nito ay, “Eh, tingnan natin!” Pero mukhang handa naman si mayor na linisin at pagandahin ang probinsiya.
Anyways, balik tayo sa ating bida, namayagpag ng ilang dekada sa posisyon ang pamilyang ito, walang sinuman ang makapagpapaalis sa kanilang posisyon, makapangyarihan at sunud-sunuran ang karamihang mayor sa kanya.
Ang pamilyang ito ay “political dynasty”, ibig sabihin ay pagkatapos ni tatay ay si anak at si nanay naman.
Siniguro ni ex-gov. na matatag ang itinayo nitong haligi nang sa gayun ay hindi ito basta maitutumba ng sinumang kumakalaban sa kanila. Ibang klase, lodi!
Pero, ‘wag pakasiguro dahil kahit matibay ang pondasyon sa pulitika, alam nating may hangganan ang lahat.
May balita pang ang mga kritiko o sinumang kumakalaban kay ex-gov. ay hindi na makababalik sa kanilang karera. Napatunayan ito sa kasaysayan ng dalawang mayor na nagtangkang agawin ang kapitolyo. May mga ulat na si ex-gov. diumano ang nasa likod ng nagpagpatay sa tapagsalita ng kalabang mayor.
During the campaign, ibinulgar ng napatay ang lahat ng katiwalian ng ating bida. Sa mga political rally, palaging sinasabi nito (napatay) ang lahat ng katiwalian ni ex- gov., tulad ng illegal logging, gambling, pagbebenta ng mga lupain sa mga negosyante at iba pa.
Ang masaklap pa, ang mga napagbentahan ng lupain ay hindi napasok sa kaban ng bayan, kundi rekta sa account ni ex-gov.!
At heto pa, lately, pinasok na rin nito ang mining business, pinasabog ang mga bundok at ngayo’y magandang subdivision na ang makikita mo rito.
Kaya naman, ang pag-iendorso sa magaling na mayor para pumalit kay ex- gov. ay malaking himala kung siya ay magwawagi.
Knows n’yo na ba ang kapalmuks nating bida? Hmmm…








Comments