Dating Gilas Pilipinas players, aabangan muli sa PBA Gov. Cup
ni Gerard Arce - @Sports | February 07, 2022

Tatahakin ng mga dating Gilas Pilipinas players ang panibagong landas bilang mga bagong manlalaro sa magkakahiwalay na koponan sa Philippine Basketball Association (PBA) na tiyak na pakakaabangan sa pagpapatuloy ng Governor’s Cup simula Pebrero 11 sa Smart Araneta Coliseum.
Napaso na ang mga kontrata ng mga Gilas players na binubuo nina Mike at Matt Nieto, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, at Isaac Go. Napunta si Mike sa Rain or Shine, habang si Matt ay nasa NLEX Road Warriors. Si Suerte ay pumirma sa Blackwater, nakikipag-negosasyon naman si Bulanadi sa Alaska at si Go sa Terrafirma.
Pare-parehong napili ang mga manlalaro sa special Gilas draft noong 2019, ngunit dahil sa mga panahong iyon ay nakapirma pa ang mga ito ng kontrata sa Gilas, sa mga international stints lang sila nakakapaglaro.
Kinumpirma nina Rain or Shine Elasto Painters head coach Chris Gavina at Blackwater Bossing chief tactician Ariel Vanguardia na nagsipirma ng kani-kanilang kontrata sina dating Ateneo at Gilas guard Mike Nieto sa ROS at dating University of Visayas Green Lancers at University of the East scoring machine Rey Suerte.
“We’re happy that after 3 years, we’re finally get a player like Mike. We’re all looking forward to what mike brings for us in regard to his High IQ, his motor and his competitive nature,” pahayag ni Gavina hinggil sa pagpapapirma kay Nieto na naniniwalang malaki ang maitutulong sa koponan, gayundin ng ibang manlalaro ng ibang Gilas players dahil sa bitbit na karanasan sa pandaigdigang kompetisyon.
“So, iba yung confidence level ng players pagdating nila sa Gilas eh, so I think that’s gonna be added asset a lot of teams who able to draft some of the Gilas players. [Being able to have] international experience na dala ng mga players na yun sa mga respected mother teams will play dividend I’m sure.”





Comments