top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dati, mga pulitiko lang nagbabalimbingan, ngayon, pati mga bloggers na

BULGAR
Mar 21, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 21, 2022


MOCHA USON DATI KAY MARCOS NAKAKAMPI, NGAYON KAY ISKO NA KUMAMPI — Dati ay kay presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos, Jr. nakasuporta ang kilalang blogger na si Mocha Uson, pero ngayon ay kay presidential candidate, Mayor Isko Moreno na ito nakasuporta.


Kung ganu’n, hindi lang pala sa mga pulitiko uso ang balimbingan, kasi uso na rin pala ito sa mga bloggers, boom!


◘◘◘


KUNG ITINULOY NI WILLIE REVILLAME ANG PAGTAKBO NIYANG SENADOR, MANANALO SIYA DAHIL MARAMING BOBO-TANTE ESTE BOBOTO SA KANYA — Mula nang umatras sa pagtakbo sa pagka-senador ay hindi na nakita ng publiko si TV host Willie Revillame na nakikisawsaw sa pulitika, pero kamakalawa ay lumantad na ito para iendorso ang kandidatura for vice president ni Mayor Sara Duterte.


Sa totoo lang, maraming humanga kay Willie sa pag-atras niya sa laban sa pagka-senador, lalo na nang sabihin niyang wala siyang karanasan sa paggawa ng mga panukalang batas kaya siya umatras sa laban.


Buti na lang may ganyang kaisipan si Willie, at hindi siya gahaman sa posisyon, kasi kung itinuloy niya ang pagtakbong senador ay mananalo siya dahil maraming bobo-tante este boboto sa kanya, period!


◘◘◘


RESBAK NI MOIRA SA ISANG BROADSHEET NEWSPAPER: BAKA KAYO ANG BAYAD — Hindi pinalampas ng singer na si Moira dela Torre ang balitang inilabas ng isang broadsheet na pahayagan na binayaran daw siya ng P5 milyon para mag-perform sa People's Rally ni Vice Pres. Leni Robredo.


Sabi ni Moira, hindi raw siya bayad, nag-volunteer lang daw siya sa "People's Rally", at saka inatake ng singer ang pahayagan na baka ito (broadsheet newspaper) raw ang bayad para siraan siya sa publiko, boom!


◘◘◘


PRESIDENTIAL ELECTION, LABANAN DIN NG MGA BANDA — May mga sikat na banda na nagpe-perform sa mga political rally nina VP Leni at former Sen. Marcos.


Ibig sabihin n’yan, ang halalang 2022 ay hindi lang labanan ng mga kandidato sa pagka-presidente, kundi labanan na rin ito ng mga banda.


Kaya kung sinong presidential candidate ang matatalo sa eleksyon, asahan nang tapos na rin ang career ng mga bandang sumuporta sa talunang kandidato, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page