Date nila noon, pang-promo lang daw... SAM, KUMANTANG NEVER NAGUSTUHAN SI ALDEN
ni Ambet Nabus @Let's See |May 26, 2023

Ang ganda-ganda pa rin ni Sam Pinto hanggang ngayon. Makikita ngang nagkaroon ito ng kaunting laman, medyo nadagdagan siya ng timbang kumpara noon. Pero, mas nagmukha itong fresh.
Napanood nga namin ang guesting nito sa Fast Talk ni Kuya Boy Abunda at hindi nagbago ang paghanga namin sa binansagang "it girl" ng showbiz noon.
Bilang Mrs. Anthony Semerad (dating PBA player) na siya, matagumpay na negosyante at may isang anak, bigla nga raw niyang na-miss ang showbiz.
At nang mag-quit si Sam sa showbiz noong taong 2017 ay hinahanap-hanap daw niya ang mga interviews, pagharap sa kamera, pakikipag-ngaragan sa schedule ng shooting o taping, mga kaibigan on and off cam.
Salamat sa seryeng Abot-Kamay na Pangarap ng GM-7, muling masisilayan ang kagandahan ng dating PBB housemate, sexiest woman ng FHM at isa sa mga nakalinyang maging big star noon.
Fan talaga kami nitong si Sam na umamin pang never niyang magugustuhan si Alden Richards kahit sinakyan pa raw niya ang palabas nila noon na may something sila o nililigawan siya nito.
Scripted daw ang naging date nilang dalawa noon dahil meron silang project na kailangang i-promote.





Comments