top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Darryl Yap, rumesbak, Kakampink binanatan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 1, 2024




May patutsada ang direktor na si Darryl Yap sa mga Kakampink o sa mga tagasuporta ng dating kandidato sa pagkapresidente na si former Vice President Leni Robredo sa gitna ng umuugong na hidwaan sa pagitan ng pamilyang Duterte at Marcos.


Kamakailan nga ay may pang-asar ang mga Kakampink sa ‘X’ at Facebook para sa mga bumoto sa mga kandidato ng UniTeam na, “Tama nga kami, tanga nga kayo.”


Nag-share nga si Yap sa kanyang Facebook ng naging paninita ni Kiko Pangilinan sa mga Kakampink dahil sa mga insultong binabato ng mga ito sa mga bumoto sa kalabang partido.


“With due respect, this and other similar messages DO NOT help advance the cause we fought for then and continue to fight for now. Naiintindihan ko yung frustrations ng iba sa atin pero sana hindi ito dinadaan sa galit o sa pangungutya. We need to persuade and convince. We do not need to ridicule and insult. Kailangan natin makipag-usap at makinig hindi itong magmagaling, mang-insulto at makipag-away,” ani Atty. Kiko.


Humirit naman ang direktor ng, “MALI RAW KAYO.”


Dagdag pa ni Yap sa isang hiwalay na post, 'wag na raw makisawsaw ang mga Kakampink dahil ang away ay para sa mga nanalo at hindi para sa mga talunan.

Payo ng direktor, tumindig na lang daw ang mga Kakampink sa gedli.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page