DARNA COSTUME NI CELESTE, TAOB NG MGA BAKLA SA GAY BEAUTY CONTEST
ni Ambet Nabus @Let's See | January 15, 2023

Speaking of Celeste na biglang nagsuot ng Darna costume noong national competition sa Miss Universe, maraming bashers ang hindi natuwa sa biglaang pagpalit nito ng panlabang costume.
May mga nagsabing kung kelan hindi na uso si Darna, eh, saka naman inirampa ni Celeste ang ganu'ng attire.
Nakakaloka rin ang mga komentong mas magaganda pa raw ang mga DYI Darna costumes na inirarampa sa mga gay beauty contests kesa sa isinuot nito sa Miss Universe.
At nakakabaliw din ang mga impresyong nagmukha lang itong poor copycat ng Wonder Woman costume na kilalang-kilala sa USA at maging sa ibang panig ng mundo.
Biglaan nga ang ginawang pagpapalit ni Celeste ng natcos at balita pang ang designer nitong si Oliver Tolentino ay mayroon lang 10 days para tapusin ito at ang additional headdress naman ay ginawa ng chika-friend nating si Dr. Jerome Navarro.
Humingi pa sila ng permiso sa Ravelo family, pati na sa kasalukuyang may TV rights nito, kasama na ang gumaganap ditong si Jane de Leon, na biglang naging pang-Miss Universe ang aura dahil dito.
Pero sa tanong kung bakit biglaan ang pagpapalit ng costume sa hinaba-haba ng preparation, eh, wala tayong nakuhang tugon.





Comments