top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dapat tumaya sa lotto outlet na nasisinagan ng araw para sure ang panalo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 14, 2023
  • 1 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | March 14, 2023


Dear Maestro,


Malaki ang problema namin sa pinansyal. Sabay-sabay kasing nag-aaral ngayon ang lima naming anak. Kaya kahit pareho kaming nagtatrabaho ng mister ko, talagang kapos ang aming suweldo at baon na kami sa utang.


Sana ay mabigyan n’yo kami ng suwerteng numero para malusutan namin ang mabigat na problemang hinaharap ng aming pamilya ngayon. August 13, 1974 ang birthday ko, habang December 4, 1972 naman ang mister ko.


Umaasa,

Julie ng Santa Ana, Taytay, Rizal


Dear Julie,


Ang birthday mong August 13, 1975, habang December 4, 1972 naman si mister ay nagsasabing mapalad ka sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto at sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre. Sigurado na bago dumating ang iyong kaarawan o kaarawan ni mister, malaking halaga mula sa number games ang inyong maibubulsa.


Bukod sa sarili mong numero na 4 at 13 naman si mister, mapalad din kayong mag-asawa sa mga numerong may sumatotal na 1, tulad ng 1, 10, 19, 28, 37, at iba pang kauri nito, gayundin sa numerong may sumatotal na 7, tulad ng 7, 16, 25, 34, 43, at mga kauri nito.


Kaya ang pinakamagandang pagtaya ay pagsamahin mo ang kumbinasyon ng mga numerong may sumatotal na 4, 1 at 7, upang masapol ang jackpot.


Upang masigurado ang malaking panalo, maghanap kayo ng lotto outlet na nasisinagan ang bintana at pintuan ng unang sikat ng araw sa umaga. Ang lotto outlet na nabanggit ang magpapatama sa inyong mag-asawa ng malaking halaga sa taong 2023 hanggang 2024, sa edad mong 49 pataas at 51 naman si mister.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page