Dapat paghandaan ng lahat ang ‘worst scenario’ ng pandemic
- BULGAR
- Feb 22, 2022
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | February 22, 2022
NAALALA ko noong nasa elementarya pa ako bandang 1964-65 kung paano nangangampanya ang mga tao.
Nagtatrabaho ang aking ama na si Kapitan Sucing sa Manlo, Inc. (Manuel Lopa, in-laws ng Pamilya Aquino).
◘◘◘
MEKANIKO ng printing machine ang aking ama sa Manlo — isang pabrika na gumagawa ng “tansan”at nag-i-imprenta ng tin sheet o maninipis na lata.
Opo, lata — hindi plastic o tarpaulin ang gamit noong sa kampanya.
Nag-uuwi ang aking ama ng lata na may sukat na 2 inches by three inches na may nakaimprentang mukha nina Ferdinand Marcos at Fernando Lopez.
◘◘◘
Si Lopez ay may hawak na uhay ng mga malagong palay na hitik sa butil sa printed tin sheet kasama si Marcos.
Nagwagi ang Marcos-Lopez tandem noong 1965 — at ito ay simula ng napakahaba at nakapakontrobersiyal na kasaysayan ng Pilipinas.
◘◘◘
NABUHAY ang “kampanyang Marcos-Lopez” noong Linggo sa Maynila matapos ang mahabang motorcade dahil ang kandidato ng UniTeamsa pagka-alkalde sa Maynila ay si Atty. Alex Lopez.
May tarpaulin na may malalaking letrang: Marcos-Lopez kaya’t naalala ko ang tandem na ito.
Tulad ni Marcos saradong Nacionalista Party (NP) ang mga Lopez na pinaigting ng panunungkulan ng yumaong si Mayor Mel Lopez sa Maynila.
◘◘◘
UMANGAT na sa senatorial survey si ex-PNP Chief Guillermo Eleazar.
Tanging si Eleazar ang kandidatong senador na nagmula sa Calabarzon dahil siya ay tubong Tagkawayan, Quezon at nagging RD ng rehiyon.
Dinumog ang motorcade ni Eleazar sa Calabarzon kung saan personal niyang kinausap ang mga LGU executives.
◘◘◘
MASASABI nating pinakamalakas na pambato ng Partido Reporma bilang senador si Eleazar dahil sa kanyang performance at popularidad.
Ginawaran si Eleazar bilang outstanding alumnus sa katatapos na PMA Homecoming sa Baguio City na magpapaangat sa kanyang tsansa.
◘◘◘
NAKABABAHALA ang magkakasalungat na pagtaya sa lagay ng ekonomiya.
Mahirap matantiya ang mararanasan krisis kasi’y tila ngayon lang naranasan ng daigdig ang ganitong klase ng “delubyo” — higit dalawang taong pandemic.
Hindi nakatitiyak ang mga eksperto na tama ang kanilang pagtingin o analysis.
Dapat maghanda tayo sa “worst scenario”.
◘◘◘
ANG positive scenario ay puwedeng hindi paghandaan, pero ang grabeng sitwasyon kapag hindi pinaghandaan ay magiging delubyo ang epekto.
Bigo ang gobyerno na maglatag ng konkretong contingency.
Pero, hindi dapat asahan o sumandal ang mga tao sa satsat at kuwento ng mga nasa pamahalaan.
Kumbaga, kani-kanya tayong solusyon sa personal nating problema, wala nang iba pa.








Comments