top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dapat ibalik ang tiwala sa pagpapabakuna na nawala dahil sa mga namatay sa Dengvaxia

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 29, 2020
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | November 29, 2020



Kailangang paigtingin ng pamahalaan ang kampanya sa pagpapabakuna.


Kailangang maipakita rin nito na ligtas at epektibo ang bakuna upang maiwasan ang pagkakasakit.


Kailangang iwasto ang mga maling akala laban sa mga bakuna.


Higit sa lahat, kailangang ding ibalik ang tiwala sa pagpapabakuna, pagkatapos ng issue tungkol sa Dengvaxia.


☻☻☻


Ito ang mga nakikita natin pagkatapos ng latest survey pagdating sa pagpapabakuna, lalo na tungkol sa paglaban sa COVID-19.


Ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na 31% sa mga Pinoy ang nagsabing hindi sila willing na magpabakuna laban sa COVID-19.


Sa bilang na ito, 14% ang nagsabing “probably” ay hindi sila magpapabakuna, samantalang 17% naman ang sumagot na “definitely” ay hindi sila kukuha ng COVID-19 vaccine.


☻☻☻


Sa kabilang banda, 66% naman ng mga Pinoy ang willing na magpabakuna laban sa COVID-19.


Sa mga ito, 32% ang nagsabing sila ay “definitely would get the vaccine” habang 34% naman ang “probably would get the vaccine.”


☻☻☻


Target naman ng pamahalaan na mapabakunahan ang 60 hanggang 70% ng mga Pinoy sa loob ng tatlo hanggang limang taon.


Sapat na raw ang bilang na ito upang magkaroon ng “herd immunity” laban sa COVID-19.


Mga 20 hanggang 30 milyong Pinoy lamang kasi ang kayang mapabakunahan ng pamahalaan bawat taon, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.


☻☻☻


Isama sana ng pamahalaan sa uunahing programa ang kampanya upang mapanumbalik ang tiwala ng mga tao sa pagpapabakuna habang inilalatag nito ang mga programa sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page