Dapat daw pareho sila ng utak… VICO, GUSTONG MAG-ASAWA BAGO MAG-40
- BULGAR

- May 23, 2025
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 23, 20255
Photo: Vico Sotto - IG
Sa edad niya ngayon na 35, wala pang balak na mag-asawa ang masipag na mayor ng Pasig City na si Vico Sotto.
Sa kanyang status ngayon, tiyak na pag-aagawan siya ng mga babae. Ipagmamalaki siya ng kanyang magiging girlfriend lalo’t perfect na husband material si Mayor Vico. May matibay siyang paninindigan at hindi corrupt na public official.
Sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang mayor ng Pasig ay good governance ang kanyang pinaiiral.
Noong nakaraang eleksiyon ay mga multi-milyonaryo at maimpluwensiyang tao ang kanyang nakalaban bilang mayor, pero si Vico ang ibinoto ng mga Pasigueños. Landslide ang kanyang panalo.
Bagong dugo ng pulitiko si Mayor Vico Sotto. Kaya ang buong panahon niya ay kanyang inialay para tuparin ang kanyang mga naipangako sa kanyang mga nasasakupan.
At his age, dapat ay nagsisimula nang bumuo ng kanyang pamilya si Mayor Vico dahil kailangan niya ng katuwang sa buhay.
Pero hindi priority ni Mayor Vico Sotto ang kanyang love life. Kung tutuusin, hindi naman siya choosy at balak din niyang mag-asawa sa tamang panahon.
At plano niya na bago siya umabot ng 40 yrs. old ay magkaroon na ng pamilya. Gusto niya sa kanyang future wife ay ‘yung matalino at pareho sila ng wavelength — 'yung makakasundo niya sa mga pananaw sa buhay.
Dahilan daw ng hiwalayan kay Marco…
CRISTINE, SUMPUNGIN AT PABAGU-BAGO RAW NG MOODS
ITINATANGGI ni Cristine Reyes na break na sila ni Marco Gumabao. ‘Yun ay sa kabila ng mga naglalabasang tsika sa social media tungkol sa kanilang magulong relasyon.
Paliwanag ni Cristine, may konting tampuhan lang daw sila ni Marco na natural lang sa magkarelasyon.
Pero mas marami ang nagsasabing tinapos na nina Cristine at Marco ang kanilang relasyon at ayaw pang aminin ang katotohanan.
Ilang taong malalapit kina Cristine at Marco ang nagsasabing ang aktres ang may pagkukulang sa kanilang relasyon. Sumpungin daw kasi ito at pabagu-bago ang moods.
Madalas silang mag-away dahil maraming bagay na hindi mapagkasunduan.
Well, ideal boyfriend si Marco Gumabao. Sayang naman kung pakakawalan pa ni Cristine Reyes.
DUMAGSA ang mga Noranians sa Eastwood Walk of Fame-Phils. noong May 21 upang mag-alay ng mga bulaklak para sa kaarawan ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Mala-Princess Diana si Nora na inalayan ng mga bulaklak ng kanyang mga diehard fans. Pagkatapos ay tumuloy ang mga Noranians sa Gateway 2 Cinema 11 para sa special red carpet screening ng pelikulang Faney bilang tribute kay La Aunor para sa kanyang 72nd birthday.
Big success ang special screening ng Faney in terms of attendance. Ito’y dinaluhan ng ilan sa major cast ng Faney tulad nina Gina Alajar, Bembol Roco, Ian de Leon, Althea Ablan at Ina Feleo na proxy ni Laurice Guillen.
Dumalo rin sa red carpet screening sina Rita Avila, Jeric Gonzales, Martin Escudero at ang P-pop group na BILIB.
Naroon din si RS Francisco ng Frontrow na isa sa mga producers ng Faney.
Maaga pa ay nasa Gateway Cinema na si Direk Adolf Alix.
In full support din sa Faney movie ang entertainment press. Ang movie ay open lang for block screening.
Samantala, posibleng maipalabas na rin ang pelikulang Kontrabida, na isa sa mga huling pelikula na ginawa ni Nora Aunor bago siya pumanaw.
MAY kakaibang twist ngayon sa istorya ng Lolong na ikinagulat ng mga viewers.
May ibinunyag na lihim si Manuel (Rowell Santiago) tungkol sa tunay na pagkatao ni Lolong (Ruru Madrid).
May natuklasan din si Elsie (Shaira Diaz) tungkol sa nawawala niyang anak na lalaki na ipinamigay ng kanyang ina.
Nabawasan na rin ang mga kontrabidang labis na kinamumuhian ng mga viewers tulad ng character nina Jean Garcia at Martin del Rosario.
Patuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Lolong sa mga taong umapi sa kanyang pamilya. Gagawin niya ang lahat upang iligtas ang kanyang mag-inang sina Elsie at Mimay.










Comments