top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Daming problema sa modules ng ilang public schools, ba’t walang emergency response?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 20, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 20, 2020



BUBUNGKALIN na ang oil reserves ng Pilipinas sa West Philippine Sea.


Lalong popogi si P-Digong sa mata ng madla!


◘◘◘


PINARAMI na ang sakay ng LRT at MRT.


Ingat sa mga mandurukot!


◘◘◘


NORMAL na sa maraming lugar.


Media at gobyerno na lamang ang hindi normal!


◘◘◘


KAPAG hindi nanonood ng telebisyon, nagbabasa ng diyaryo, nakikinig ng radyo at wala kang cellphone at gadgets—normal ang iyong pakiramdam pag labas ng bahay.


Subukan ninyo!


◘◘◘


PATOK daw ang sex toys sa mga babaeng Tsino.


Huh, mahahawa na naman d’yan ang buong mundo!


◘◘◘


INIATRAS ng China ang clinical trials Phase 3 sa ikalawang vaccine kontra COVID-19.


Ito ay dahil sa hindi maunawaang dahilan.


Weh!


◘◘◘


NAGKAKAABERYA ang modules ng ilang public schools.


Wala bang emergency response?


◘◘◘


ANG modular ng DepEd ay mayroon ding physical.


Kailangan pa kasing personal na kunin, hawakan, ipasa at basahin ang modular print copy.


Kailangan pa itong ipa-“print” o idaan sa copier o “xerox”.


Hindi ito totoong “full online class” ini!


◘◘◘


EPEKTIBO ang coconut virgin oil laban sa COVID-19.


‘Yan ay nagmula mismo sa DOST!


◘◘◘


APRUB na sa Kamara ang P4-trilyong budget bill.


Lilipat ang problema sa Senado!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page