Daming kabado sa Marcos-Duterte tandem
ni Ka Ambo - @Bistado | November 13, 2021
TURETE ang mga miron sa sinasabing Marcos-Duterte tandem.
Nganga!
◘◘◘
SA takbo ng mga pangyayari, tipong hindi magkakatotoo ang hula ni Madame Auring na magpa-pakner sina Ex-Sen. Bongbong Marcos at Inday.
Sobra-sobra ang effort ng kampo ni Inday.
Ang super-effort ay hindi katumbas sa posisyon ng pagka-pangalawang pangulo!
◘◘◘
NAGHAHAGILAP ng institusyunalisadong partido ang grupo ni Inday.
At nakatagpo siya ng bukas-palad.
Ito ay ang Lakas-CMD!
◘◘◘
BATAY sa substitution, kailangang manumpa si Inday sa national party at siyempre, pipili siya ng institusyonalisado.
Sa kasamaang-palad, hindi niya napili ang bagong sulpot na Partido Federal ni Marcos!
◘◘◘
SA pagsumpa ni Inday sa Lakas-CMD, awtomatikong nagkaroon sila ng matibay na partido — na may malinaw na plataporma de-gobyerno.
Pinakamahalaga, may kumpletong “Team” ang Lakas-CMD — dahil ginagabayan ito ng mga beteranong pulitiko!
◘◘◘
AWTOMATIKONG nasa likod ngayon ni Inday ang chairman ng partido na si Rep. Martin Romualdez at president ng Lakas-CMD na si Sen. Bong Revilla.
Haligi rin ng Lakas-CMD si dating PGMA at ang Speaker na si Lord Alan Velasco!
◘◘◘
MAY mahigit 60 kongresista ang aktibong Lakas-CMD na may kani-kanyang balwarte sa buong bansa.
Sa dami ng haligi ng partido, ang tanong: Tatakbo bang pangalawang pangulo si Inday o mismong No.1 post ang kanyang tutudlain?
Kayo ang sumagot!
◘◘◘
SA kabilang panig, maaaring naghihintay sa wala ang mga kapanalig ni Marcos.
Maaaring walang dumating na “Sara” bilang tandem ni Marcos!
◘◘◘
TURETE ang lahat sa posibilidad na parehong kakandidatong pangulo sina Sara at Bongbong.
Ang posibleng umatras ay si Sen. Bato mula sa kumpas ni P-Digong!
◘◘◘
ANG tanong: Eh, aatras ba si Sen. Bong Go bilang ikalawang pangulo?
Ang sagot ay tanong din: “Eh, hindi naman maglalaban sina Sara at Go sa pagka-vice-president, bakit siya aatras”?
◘◘◘
MAY isa pang maselang ulat na nagpunta sa Malacañang si Sen. Manny Pacquiao, hindi para mag-tandem kay Sara bilang VP.
Bagkus, nagsadya si Pacman, upang kombinsehin si P-Digong na bendisyunan si Go na maki-tandem sa kanya kasabay ng “unity-tiket” ng PDP-Laban!
◘◘◘
IBIG sabihin, muling magbubuo ang PDP-Laban at ang kanilang panlaban ay tandem nina Pacquiao at Go.
Masayang-masaya si P-Digong.
Dalawang grupo ang kakandidato sa ilalim ng kanyang anino!
◘◘◘
SA aktuwal, magkahiwalay ang inner circle ni P-Digong at inner circle ni Inday.
Nananatiling kontrolado si P-Digong ng sarili niyang inner circle na nagpapatakbo ng Malacañang!
◘◘◘
SA kabilang panig, may espesyal nang inner circle si Inday na pinalakas ng “Team Lakas-CMD” na siyang magmamaniobra ng kampanya.
Sakaling tumuloy ang Pacquaio-Go tandem, kalahati ng inner circle at resources ni P-Digong ay mapupunta sa naturang grupo at ang kalahati ay masasadlak kay Inday!
◘◘◘
PAANO na si Bongbong?
No choice ang grupo ni Marcos kundi ang mag-solidified o pag-ibayuhin na iorganisa ang mga umiidolo, panatiko, loyalista at organikong taga-suporta ng Pamilya Marcos!
◘◘◘
ANG botong-Marcos ay mananatiling pinaka-malaking bloke sa lahat.
Madaragdagan ito ng “sympathy votes” dahil mistulang “na-double cross” sila ay “pinaasa”!
◘◘◘
HUHUGOS ang malaking boto mula sa simpatiya ng ordinaryong tao patungo kay Marcos.
Ang nawalang boto mula sa pagtalikod ni Inday ay mapapalitan ng “sympathy votes” mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon.
Lalong tatag ang Solid North at “Marcos-votes”!
◘◘◘
GAYUNMAN, ang paghihiwalay nina P-Duterte at Marcos ay aktuwal na makatutulong sa kandidato ng oposisyon.
Makatutulong ito upang makarekober sina Pacquiao, VP Leni, Ping Lacson at Isko Moreno!
◘◘◘
SUMASAYA ang Pasko dahil tiyak na bilyun-bilyong piso ang pakakawalan ng Lakas-CMD, PDP-Laban, Marcos camp, Aksiyon Demokratiko at VP Leni group.
Pandagdag d’yan ang pondo mula sa Lacson-Sotto, sakaling hindi sila aatras!
◘◘◘
ISANG paniwalaan-dili, masasaksihan natin ngayon ang pinakamagarbong eleksiyon.
Ito ay mararanasan natin sa gitna ng napakatinding krisis.
Isang kabalintunaan ng normal na sitwasyon!





Comments