top of page

“Daming expert, pero dapat mahal ang mga magsasaka” – Villar

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 24, 2023
  • 2 min read

ni Lolet Abania | January 24, 2023



Maraming mga eksperto sa sektor ng agrikultura, subalit ang Department of Agriculture (DA) ay dapat na pamunuan ng isang indibidwal na may pagmamahal sa mga magsasaka, ayon kay Senator Cynthia Villar.


Ito ang naging tugon ng chairwoman ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform nang tanungin siya hinggil sa statement ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ang susunod na DA chief ay dapat na isang expert o dalubhasa sa larangan.


“Maraming expert kaya lang kung wala namang heart for the farmers, aapihin din ang mga small farmers,” pahayag ni Villar sa isang interview ng mga reporters ngayong Martes.


“Ako maganda rin ‘yung may secretary of Agriculture but be sure na ‘yung secretary of Agri e mahal ang farmer kasi kahit ikaw ay may secretary of Agriculture, kung hindi mo naman mahal ang farmer e ‘di wala ring serbisyo,” anang senadora.


Sinabi rin ni Villar na ang isang DA secretary na mayroong puso para sa mga magsasaka ay makakayang mapaglabanan ang “temptations” o tukso mula sa mga indibidwal na layong maimpluwensiyahan ang kayang mga desisyon.


“Kasi alam mo ano e, mahirap din ‘pag maraming nag-i-influence sa iyo to do something that’s not good for the farmers and minsan hindi na rin maka-resist, kaya dapat talaga may heart na devoted sa farmer para maka-resist doon sa mga temptation na gano’n,” ani Villar.


Nang tanungin ang senadora kung mayroon siyang maire- ecommend kay Pangulong Marcos para mamuno sa DA, ayon kay Villar, “I don’t want to comment on that... sabi ng husband ko, huwag magko-comment ng gano’n... ‘Di ako nagre-recommend sa president mamaya mapalpak ‘yun ako pa ang masisi.”


“’Di ako naghahanap e kasi di naman ako presidente. Ba’t ako maghahanap?” dagdag pa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page