top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Daming arte ni Mayor Sara, ayaw pa kumpirmahin kung tatakbo ba o hindi

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 9, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | June 09, 2021



Nagsimula na ang tag-ulan.


Panibagong krisis na naman ‘to!


◘◘◘


APAT na milyong Pinoy daw ang walang trabaho.


Baka higit pa riyan!


◘◘◘


MAS marami ang may trabaho, pero walang suweldo.


Libreng kain lang ang habol!


◘◘◘


NAGKAMPEON sa US Golf Women’s Open ang Bulakenyang si Yuka Saso ng San Ildefonso.


Klap-klap-klap!

◘◘◘


AYON kay Floyd Mayweather, hindi na dapat nagbo-boxing si Sen. Manny Pacquiao sa edad 42.


Eh, ano ang gagastusin nila sa presidential election?


◘◘◘


WALA pa ring kumpirmasyon kung kakandidatong pangulo si Mayor Sara.


Mana sa ama, pakiyeme pa!


◘◘◘


TOTOO ba na may face to face class sa TESDA Modules?


Hindi ba’t bawal ‘yan?


◘◘◘


DUMADAMI ang kaso ng COVID sa Mindanao.


Naglalaho naman ang COVID sa NCR Plus 8.


Meaning, tapos na ang pandemya!


◘◘◘


MAAARING dumarami ang kaso ng COVID sa Mindanao dahil sa “claim” sa COVID fund ng mga ospital.


Dapat imbestigahan ‘yan!


◘◘◘


HINDI ba’t isang ospital sa Davao ang nagtala ng pinakamalaking bulto ng claim sa PhilHealth.


Siyasatin dapat ‘yan nang may matuklasan!


◘◘◘


NASAAN na ang ayuda sa mga naluging negosyo?


Waley!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page