top of page
Rico Blanco at mystery girl - Circulated

Damay sa US-Iran war... Kuwait Airport binomba, 3 Pinoy grabe

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 17 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 7, 2026



Attack on terminal of Kuwait International Airport - Kuwait News Agency via Reuters

Photo: Kuwait News Agency via Reuters



Tatlong Pilipino ang kabilang sa mga malubhang nasugatan matapos bombahin ng drone at missile attack ang Kuwait International Airport sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos sa rehiyon.


Batay sa ulat, tinamaan ng pag-atake ang Terminal 1 ng paliparan noong madaling-araw ng Hunyo 3, na nagdulot ng malawakang pinsala sa pasilidad at pansamantalang pagpapatigil sa mga flight operations.


Ayon sa mga awtoridad, isa ang patay habang nasa 60 ang sugatan sa pag-atake.

Kabilang sa mga sugatan ang tatlong Pilipino na nagtamo ng matinding pinsala na patuloy na inoobserbahan sa ospital.


Patuloy namang mino-monitor ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang kalagayan ng mga biktima at nakikipag-ugnayan sa kanilang mga pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page