top of page
BIDA - ANGEL, NI-LIKE ANG PAG-UNFOLLOW DAW SA KANYA NI MARIEL AT KAY ANNE SA IG-FB Angel L

Damay sa galit ng mga DDS sa aktres… ANNE, KAMPI KAY ANGEL, TINAWAG NA ‘BUWAYA’, IN-UNFOLLOW DIN NI MARIEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 4 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 19, 2026



BIDA - ANNE, KAMPI KAY ANGEL, TINAWAG NA ‘BUWAYA’, IN-UNFOLLOW DIN NI MARIEL-IG _annecurtissmith & _therealangellocsin _marieltpadilla

Photo: IG _annecurtissmith & _therealangellocsin _marieltpadilla



May 9,513 comments na ang post ni Angel Locsin sa Instagram (IG) calling out Sen. Robin Padilla and his “Komunista ako” statement. Pero hindi lahat ng comments ay sagot para sa aktres.


May mga comments na ang puntirya ng galit ay ang mga celebrities na nag-comment ng pagsang-ayon kay Angel.


Si Bea Binene, minura at nakikisawsaw daw. Sina Enchong Dee at Benjamin Alves ay bina-bash at may mga nagmura rin na wala raw career ang dalawa. 


Si Arnold Clavio, binalikan ang dati niyang isyu.


Si Anne Curtis, paulit-ulit na tinawag na ‘crocodile’, bagay na hindi namin ma-gets. May nag-akusa rin sa kanya na feeling safe dahil sa comment na, “Welcome back, Darna.”

Comment ng mga fans ni Anne, walang masama sa comment niya, pero naging rason pa rin para i-unfollow siya sa Instagram (IG) ni Mariel Rodriguez, tulad ng pag-unfollow ng misis ni Robin kay Angel.


Mas marami nga lang ang galit kay Neil Arce, husband ni Angel, sa comment na, “Lika na, Narda, hanapin natin ‘yung bato.”


Ang daming na-trigger at binalikan siya ng hate comments. 

In fairness sa kanila ni Angel, handa sila sa backlash ng mga supporters ni Robin at mga DDS (Duterte diehard supporters). Hindi sila nagde-delete ng comments na parami nang parami.


Curious ang mga netizens kung ano’ng magiging eksena halimbawang magkita si Sen. Robin at ang mga nag-comment na agree kay Angel. 





Kahit todo-sorry pa….

AIR ASIA EMPLOYEE NA GUSTONG MABARIL SI SEN. ROBIN, TINANGGAL SA TRABAHO



Ang post ng AirAsia employee na, “Sorry po, Robin Padilla, if nasaktan kayo sa nasabi ko. Kapalit po ng nagawa ko sa inyo, natanggal na po ako sa AirAsia.”


Ang rason ng pagtanggal sa naturang empleyado ng AirAsia ay ang post niyang, “Wala bang maglalakas-loob barilin bigla si Robin Padilla?”


Nag-react si Robin sa post na ‘yun at sabi, “Humingi ka ng tawad sa Panginoon sa inyong panawagan dahil napakasama po ng inyong hakbangin.”


Kinol-out si ate girl ng mga netizens kaya nag-public apology.

Pahayag nito, “I want to publicly apologize for my recent actions. I recently made threats against Robin Padilla and I am truly sorry. In a moment of anger, I chose to use words that were aggressive and dangerous. I understand now that my behavior was wrong and that I created an environment of fear. 


“That was never acceptable, and I am embarrassed by how I handled the situation. I am taking steps to address the issues that led me to this point, and I ask for your forgiveness. I am deeply sorry for the pain I have caused.”


Bago ang public apology, naglabas ng statement ang AirAsia at nakasaad na aware sila sa social media post ng isa sa kanilang mga employees. Hindi nila tino-tolerate ‘yun at walang kinalaman ang kumpanya sa post nito.


Pahayag nila, “This matter is currently undergoing a thorough internal investigation. AirAsia will take strict disciplinary action on any misconduct in accordance with our internal procedures and due process.”


Ayun, pagkatapos ng imbestigasyon, tinanggal na ang empleyado sa kanyang trabaho.





Sobrang simple, sa alahas bumawi… 

P400K, RELO NI VINCENT SA KASAL NILA NI BEA



KAHIT ilang araw na ang nakalipas, ang kasimplehan pa rin ng civil wedding nina Bea Alonzo at Vincent Co ang pinag-uusapan. 


Mula sa wedding hanggang sa reception, na-maintain ang kasimplehan ng kasal.

Sa reception, 10 o baka mas kaunti pa ang invited at simple ang table setting. Walang mga table decors na nagpasikip sa mesa.


Ang wedding cake ay worth P3,000 na in-order sa Wadough's Bakery sa

Maginhawa St., Diliman at hindi alam ng owner na para sa wedding nina Bea at Vincent ‘yun. 


Sa ibabaw ng red velvet, vanilla, at chocolate cake, nakasulat ang “Just Married”.

Simple rin ang suot ng mga ikinasal, pero siguradong hindi simple ang wedding ring nila na hindi pa nakikita. Curious ang lahat kung ilang carats at kung magkano ang wedding ring ng dalawa pati na ang engagement ring ni Bea.


Wala ring glam team si Bea na nag-ayos sa kanya at ipinakita niyang siya mismo ang nag-make-up sa sarili.


Isa pa, hindi nakaligtas sa mga netizens ay ang suot na wristwatch ni Vincent sa wedding day nila ni Bea. IWC Pilot watch daw ‘yun na worth P400,000. Sa watch daw bumawi at sa jewelry na suot ni Bea.


Anyway, back to work agad si Bea after their wedding at kinabukasan ay may endorsement shoot ito. The day after the endorsement shoot, nag-taping siya ng Whispers from Heaven (WFH) at dito siya binati ng production team at mga co-stars. 


She was presented with a beautiful bouquet at may mga naiyak pa.

The day after the taping, bumisita siya sa The Aivee Clinic at dito sila nagkita ni Heart Evangelista. Hindi lang alam kung coincidence ang pagkikitang ‘yun o pinag-usapan na nila. 


Sa reels, makikita ang saya ng magkaibigan at may tilian pa. Ilang ulit ding binati ni Heart si Bea. Maririnig din sa reels na tinawag ni Aivee Teo si Bea na ‘Mrs. Bea Co’.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page