top of page
SPECIAL ARTICLE (RJ) - JAMES, NAWALAN NG P150 M DAHIL SA TIWALA SA KASOSYO SA NEGOSYO-IG _

Dalawang team isasabak sa U23 3x3 World Cup at Asian Games

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

ni Anthony Servinio @Sports | July 29, 2026



 TAMPOK sa lingguhang PSA Forum sa RMSC ang pagdalo ng nagkampeon sa katatapos na  FIBA 3x3 Nations League 2026 Asia-2 Conference sa Petaling Jaya, Malaysia Gilas Pilipinas U21 Boys team na sina JJ Espanola Coach, Koji Buenaflor player, Earl Molina player, Jhonel Delarama player kasama sina SBP program director Ryan Gregorio at Erika Dy.

Photo: TAMPOK sa lingguhang PSA Forum sa RMSC ang pagdalo ng nagkampeon sa katatapos na  FIBA 3x3 Nations League 2026 Asia-2 Conference sa Petaling Jaya, Malaysia Gilas Pilipinas U21 Boys team na sina JJ Espanola Coach, Koji Buenaflor player, Earl Molina player, Jhonel Delarama player kasama sina SBP program director Ryan Gregorio at Erika Dy. (Reymundo Nillama)  



Magbubuo ng hiwalay na pambansang koponan ng 3x3 para sa magkasunod na higanteng torneo ngayong Setyembre - ang FIBA3x3 U23 World Cup sa Wuhan at Aichi Nagoya Asian Games. 


Bahagi iyan ng punong kalendaryo para sa nalalabing buwan ng 2026.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas 3x3 Program Director Coach Ryan Gregorio, walang puwang ang mga laro dahil ang WC ay matatapos ng 19 at magbubukas ang Asiad sa 20.


Kasama niya sa pagdalaw sa lingguhang Philippine Sportswriters Association Forum ang matagumpay na Gilas U21 na siniguro ang tiket sa Wuhan University matapos dominahin ang FIBA3x3 Youth Nations League U21 Asia 2 noong nakaraang linggo sa Malaysia na sina John Earl Medina ng Adamson, Koji Buenaflor ng UST at Jhuniel dela Rama ng San Beda kasama si Coach JJ Espanola.


Ang Asiad 3x3 ay limitado rin sa mga edad 23 pababa. Nakikipag-ugnayan ang SBP sa UAAP at NCAA para makuha ang mga napipisil na manlalaro at tatama ito sa mga unang linggo ng mga nasabing liga.


Bago ang Setyembre, babalik ang Gilas sa Malaysia para sa U23 Nations League sa Agosto 17 hanggang 23 kung saan puntiryang makapasok din sa WC ang mga kababaihan. Makakaharap nila ang Aotearoa New Zealand, Chinese-Taipei, Thailand, Vietnam at host Malaysia.


Tatapusin ng Gilas Pilipinas ang kanilang FIBA3X3 Women's Series sa Tokyo Stop sa Agosto 1 at 2. Kalahok ang Manila Gilas sa Singapore Stop sa Agosto 13 at 14.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page