top of page
Search
  • BULGAR

Dalawang araw na karera sa SLLP

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 18, 2022


Dalawang sunod na araw magpapakarera ang Manila Jockey Club Inc. (MJCI) matapos ang pansamantalang pagtigil ng operation sa karerahan.

Bukas ang pagbabalik ng karera na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at araw ng Huwebes.

Noong Sabado lumabas ang anunsyo sa social media na balik karera ulit matapos ang isang linggong paghinto ng bakbakan sa karerahan.

"The Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) Board has approved the resumption of horse racing starting 19 January 2022 (Wednesday)," pahayag ng PHILRACOM.

Kailangan lamang na masunod ang safety protocols na sinabi ng Inter-Agency Task Force, (IATF) upang hindi magkaroon ng hawahan at manatiling ligtas ang mga karerista, hinete, trainer at mga nagta-trabaho sa karerahan.

"All stakesholder are strongly encourage to abide by all Department of Health (DOH) and Inter Agency Task Force (IATF) health and safety protocols to mitigate the spread of COVID-19 with the resumption of the races," - PHILRACOM.

Noong Enero 12 nagsimula ang pansamantalang pagtigil ng aksyon sa karerahan matapos suportahan ng PHILRACOM ang panawagan ng gobyerno na mag-ingat sa mapaminsalang COVID-19.

"Kahit seven races lang muna hinay-hinay lang alam naman natin na nag-iingat din ang ibang horse owners baka 'yung iba ayaw muna sumali siguro magpalipas lang ng ilang araw," saad ni Christian Garcia, karerista na taga-Tayuman.

Samantala, inaasahang maglalabas ng line-up ngayong araw para bukas na karera kaya tiyak na inaabangan ito ng mga karerista upang mapag-aralan ang mga tatayaan na kabayo.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page