top of page

'Dalaw' at punit sa mata nalampasan ni Petecio

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 15, 2024
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | March 15, 2024





Napaglabanan ni 2020+1 Tokyo Olympics silver medalist at 2024 Paris Games-bound Nesthy Petecio ang kinaharap na problema sa kanyang mata, na sinabayan pa ng buwanang dalaw habang nakikipag-upakan kay Olympian boxer Esra Yildiz ng Turkey para malampasan ang 4-1 spilt decision First Olympic Qualifying Boxing Tournament 2024, nitong Martes ng umaga (oras sa Pinas) sa E-Work Arena sa Busto Arsizio, Italy.


Inihayag ng 2019 Ulan-Ude World Championship gold medalist na bigla umanong umatake ang punit umano nito sa kanyang mata, bago ang kanyang laban. Subalit nakayanan pang makipagsabayan upang matupad ang pangarap na makabalik sa Summer Olympic Games mula sa apat na hurado ang nagbigay ng pare-parehong 29-28.  “Umatake 'yung sa loob ng mata ko. Hirap po akong i-open mata ko kagabi, kaya sabi ko kay God kaninang umaga around 11am same pa rin 'yung nararamdaman ko. Sabe ko sa kanya, Lord ibibigay ko na po sayo lahat, ikaw na po bahala sa mata ko. Kung papagalingin mo po ito at ipapadilat kahit konti lang po na i-open n'yo po ito grabe ibibigay ko na po sa iyo lahat Lord,” pahayag ni Petecio sa panayam dito ng Sunstar Davao.


Dahil sa kagustuhang makabalik sa Olympiad, kung saan tumuntong na rin sa 31-anyos ang kauna-unahang Pinay boxer mula Santa Cruz, Davao del Sur, pinilit nitong makipagsabayan at lampasan ang 2016 European Championships bronze medalist at Tokyo Olympian Turkish boxer. “Tapos around 2 pm grabe si Lord ma'am inopen niya po mata ko, kahit papaano nawala 'yung sakit ng mata ko. Like nakipag-videocall po ako sa fiancee ko sabi ko "Grabe pill! Grabe talaga si Lord!Nagulat siya at nagtanong bakit? Kasi na okay mata ko at na open na mata ko. Sabe ko sa kanya kahit i-open mo lang po ang aking mata hindi ko nato bibitawan, mananalo ako sa laban. Yan lang po panalangin ko sayo." Grabe ka Lord! Grabe yung binigay na blessings mo sa'kin ngayon,” dagdag ng 2-time Southeast Asian Games titlist, kung saan ayon sa kanyang Facebook account ay sinabi ring mayroon itong ‘menstruation’ na nagdudulot umano ng cramps at dysmenorrhea.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page