top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Dalagang magiging dyowa si crush ngayong 2023

Writer: BULGAR
BULGAR
May 15, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | May 15, 2023

Dear Maestro,


May kaibigan ako, at ‘di niya ko nililigawan. Darating ba ang araw na liligawan niya ako, lalo na kapag nalaman niyang may lihim na pagtingin rin ako sa kanya? Posible bang maging kami at magkakatuluyan balang araw?


Ang birthday ko ay June 9, 1999 habang siya ay September 24, 1998.

Umaasa,

Vanessa ng Talaba, Bacoor, Cavite

Dear Vanessa,


Ikaw ay isinilang sa zodiac sign na Gemini, habang Libra ang sinasabi mong lalaking gusto mo.


Sa madaling salita, kung Western Astrology ang pagbabatayan, compatible kayong dalawa dahil kapwa kayo nagtataglay ng elementong air o hangin. Ibig sabihin, compatible kayo, anumang araw mula ngayon ay posibleng matupad ang pangarap mo na ligawan o suyuin ka rin ng tinatangi-tangi mong lalaki.


Habang ang birth date mong 9 at 24 o 6 (2+4=6) sa lalaking gusto mo ay nagpapatunay na sa pag-aanalisang Numerology ay tugma rin kayo. Ang magkaka-compatible sa Numerology ay silang mga isinilang sa series of 3-6-9, kung saan napapabilang kayong dalawa.


Gayunman, habang umuusad ang panahon na nalalapit din ang panahon ng zodiac sign na Gemini, tulad ng nasabi na, hindi maiiwasang magkahulugan kayo ng loob hanggang sa tuluyang mabuo ang isang masayang relasyon.


Ibig sabihin, kung wala kang nobyo at ang lalaking gusto mo ay wala ring nobya, tiyak ang magaganap, darating ang tamang pagkakataon na kayo ay magiging magkasintahan.


Ayon sa inyong Love Calendar, ang nasabing pagtatagpo ng inyong mga damdamin at pagyayakap ng mga saloobin upang makabuo ng masayang relasyon ay nakatakdang mangyari at dumating sa huling linggo ng buwan ng Mayo o unang linggo ng buwan ng Hunyo sa taon ding ito ng 2023 at sa edad mong 24 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page