top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dakpin na si San Vicente ‘pag labas ng warrant of arrest

BULGAR
Jun 21, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 21, 2022


MAAGANG INAGURASYON NI SARA, PAMBABASTOS KAY LENI?–Hindi dumalo si outgoing Vice-Pres. Leni Robredo sa panunumpa sa tungkulin ni VP-elect Sara Duterte bilang bagong bise presidente ng Pilipinas.


May punto naman si Leni na isnabin ang inagurasyon ni Sara, sa totoo lang ay mistulang pambabastos sa kanya ang imbitasyong ito kasi bise presidente pa siya hanggang June 30, 2022, tapos ‘tong anak ni P-Duterte ay nanumpa na kahapon bilang bagong bise presidente ng bansa, boom!


◘◘◘


KAHIT NANUMPA NA, HINDI PA RIN PUWEDENG MANUNGKULAN SI SARA BILANG VP KASI HANGGANG JUNE 30 PA SA PUWESTO SI LENI–Nakasaad sa Konstitusyon na ang simula nang panunungkulan ng lahat ng nagwagi sa nakaraang halalan ay sa tanghali ng June 30, 2022, pero ayon sa Comelec at maging sa mga law experts, puwede naman ang ginawang panunumpa kahapon ni Sara bilang bagong bise presidente.


‘Yun nga lang, hindi pa puwedeng umaktong bise presidente ng bansa si Sara dahil hanggang June 30 pa sa puwesto si Leni bilang vice-president of the Philippines, period!


◘◘◘


PATI PISKALYA INISBAN NI SAN VICENTE–Hindi sumipot sa piskalya ng rich na driver ng SUV na si Jose Antonio San Vicente kaugnay sa mga kasong isinampa sa kanya ng sekyu na kanyang sinagasaan sa Mandaluyong City.


Ano ba ang gustong palabasin ni San Vicente sa isyung ito, na talagang astig siya? Mantakin n’yo, pati piskalya ay iniisnab-isnab niya, buwisit!


◘◘◘


KAPAG MAY WARRANT OF ARREST NA AT HINDI PA RIN HINULI SI SAN VICENTE, IBIG SABIHIN AY PADER ANG KANYANG PADRINO–Dapat isampa na agad ng piskal sa korte ang mga kasong isinampa ng sekyu laban kay San Vicente para makapagpalabas na ng warrant of arrest ang husgado.


Sabi kasi ng mga pulis, hindi nila puwedeng dakpin si San Vicente dahil walang warrant of arrest.


Kung sakaling may warrant of arrest na’t hindi pa rin gumawa ng aksyon ang kapulisan para siya ay dakpin, isa lang ibig sabihin niyan, na pader ang padrino ni San Vicente, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page