Dahilan ng hiwalayan nila ni Marco, kanila na lang daw… CRISTINE, UMAMING MAY BAGONG DYOWA NA
- BULGAR
- 2 days ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 31, 2025

Photo: Cristine Reyes - IG
Kinumpirma na ni Cristine Reyes ang hiwalayan nila ni Marco Gumabao at ibinulgar na rin niyang may non-showbiz boyfriend na siya.
Sinabi ng aktres na mas masaya siya at mas gusto niyang panatilihing pribado ang kanyang bagong relasyon.
Maayos umano ang paghihiwalay nila ni Marco, pagbibigay-diin niya. Wala naman daw silang naging problema dahil nanatili pa rin silang magkasundo.
Sa isang panayam, ibinulgar niyang nakatagpo na siya ng panibagong kaligayahan sa piling ng isang non-showbiz personality.
“Nakakatanggal din ng blemish ‘yan and wrinkles. Yes, I am happy now,” she said, adding that she prefers to keep her current relationship na mas private.
Sa paghihiwalay daw nila ni Marco, mas gusto nilang hindi magbahagi ng masyadong detalye.
“Sa amin na lang ‘yun, respect na namin sa isa’t isa. But we are super okay,” esplika ng aktres.
Ibinahagi rin ng aktres na ang pagpili na maging mas pribado ang kanyang buhay-pag-ibig ay nagpakalma sa kanyang pakiramdam.
Nang tanungin kung tuluyan na ba niyang iiwasan ang pakikipag-date sa kapwa-celebrity, ani Cristine, “Hindi kailanman maaaring planuhin ang pag-iibigan.”
Sa buong career ng aktres, pawang male celebrities ang kanyang mga naging karelasyon tulad nina Derek Ramsay, Rayver Cruz, at ang past marriage niya kay Ali Khatibi, kung saan mayroon siyang anak na babae. Ang huli nga ay si Marco Gumabao noong 2023.
Parehong ayaw magsalita… COCO AT MANAGER, HIWALAY NA DAHIL DAW SA PERA
Usap-usapan sa showbiz circle na naghiwalay na ng landas si Coco Martin at ang longtime talent manager niyang si Biboy Arboleda.
Sinasabing pera ang posibleng dahilan.
Hindi na umano naka-follow si Coco sa account ng manager, kaya sigurado raw na may katotohanan ang isyu sa pagitan nila.
Marami ang nalulungkot na mga kaibigan nila kung totoo nga ang sitsit na ito. Ang haba na rin kasi ng pinagsamahan nina Coco at Biboy.
Anyway, wala pa namang kumpirmasyon kung totoo nga ito, dahil parehong hindi pa nagbibigay ng pahayag ang dalawang kampo hinggil sa kumakalat na isyu.
Sigaw ng madlang pipol, ‘wag ibahin ang usapan… ATONG AT GRETCHEN, BANTAY-SARADO SA IMMIGRATION, PANTAKIP LANG SA FLOOD CONTROL PROJECTS
MAY kani-kanyang opinyon na naman ang mga netizens kaugnay ng inilabas na Immigration Lookout Bulletin Order laban kina Atong Ang at Gretchen Barretto, ang inaakusahang mastermind at kasabwat umano sa pagdukot, pagkawala at pagpatay sa mahigit 100 sabungeros na itinapon sa Taal Lake.
Pareho namang nag-deny sina Ang at Barretto sa alegasyon laban sa kanila ng whistleblower.
Komento ng mga netizens:
“Hold them accountable to make people trust the justice system. Democracy without the rule of law is anarchy!”
Sigaw naman ng isang commenter, “Unahin n’yo ‘yung BILYONG pera na ninakaw sa kaban ng bayan! Panagutin sila kaysa mga sugarol na ‘yan.”
“‘Pag mahirap ang nagkasala, kulong agad, pero ‘pag mayaman, dami pang proseso.”
“‘Yung mga contractor at buwayang officials ang bantayan, baka tatakas na sila sa flood control issues…”
“Ano ba ‘yan! Dati WPS impeachment. Sabungeros, flood control. Baka susunod trillia in Manila Part 2. Wala nang nalutas. Bwisettt!”
“Si Remulla ang dapat ikulong, kung anu-ano lang sinasabi… gusto lang pumapel. Kumusta na anak mo, Remulla?”
“Pero ‘yung mga nagnakaw ng pondo ng flood control, malaya makaalis.”
“Ano ‘to? Bakit lalabas ‘to ngayon kung kailan may issue sila sa flood control? Cover up?”
“Bakit ‘yung FLOOD CONTROL, nawala na? Naiba na naman ang show?”
“Tapos na ‘yan. ‘Wag n’yo nang ilihis ang issue sa korupsiyon.”
Kinuha rin ng netizen ang atensiyon ng network na nagbalita, “‘Wag muna sumabay. Nasa FLOOD CONTROL NA KAMI, GMA NAMAN.”
Sadyang galit na nga ang mga nagkokomento.
“Billion ang ninakaw ng mga kasama mo, Remulla. Puro nasa Congress HOR QUADCOM. Leche ka! ‘Yan ang ayusin n’yo. Wala sa matinong pag-iisip, kung anu-ano inaatupag n’yo.”
“Dapat nga wala ka d’yan. Isa ka ring tulad nila.”
Ganern? Ano’ng episode na kaya ito ng drama series ng pulitika rito sa Pilipinas?
Comments